No-El Scenario, Imposibleng Mangyari – P-Noy

MISMONG SI Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nagsabing walang ikababahala sa supply ng kuryente lalo sa mismong araw ng botohan sa Lunes.

Maaalala na nagkaroon ng malawakang brownout sa Luzon kahapon na nagresulta sa agam-agam ng taong-bayan.

May nagpalutang na rin sa anggulong dry run daw ang brownout sa no-election scenario sa Lunes.

Ayon kay Pangulong Aquino, sapat ang supply ng kuryente at hindi mauulit ang nangyaring perwisyo kamakailan.

Sinabi pa ng Pangulo na nagkaroon na ng imbentaryo ang Department of Energy (DoE) sa mga planta at transmission lines para malaman ang kapasidad ng kuryente sa susunod na mga araw.

Binigyang-diin pa ng Pangulo na malabo at hindi mangyayari ang pinangangambahang no-el scenario dahil siya mismo ay walang interes na ipagpaliban ang halalan.

Samantala, all-set na raw sila para sa halalan at handa na ang preparasyon ng mga ahensya ng pamahalaan lalo sa usapin ng seguridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.