No. 9 Most Wanted ng NCR, Patay sa mga Pulis

TODAS ANG no. 9 most wanted ng National Capital Region matapos ang naganap na barilan nang salubungin ng bala ng una ang mga pulis na aaresto sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Michael Ignacio, alyas Bulag, nasa hustong gulang ng Pla-Pla St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang lusubin ng mga pulis ang bahay ng biktima dala ang mga arrest warrant ng suspek sa mga kasong Murder, Robbery Hold-Up at droga.

Papasasok pa lang ng bahay ang mga pulis ay sinalubong na ng mga putok ng suspek kung saan pinalad si PO1 Neptali Buensuceso, ng Northern Police District na tinamaan ng bala sa dibdib subalit dahil sa suot na bullet vest ay hindi tumagos.

Napilitan ang mga pulis na gumanti ng mga putok na naging dahilan upang mataan ang suspek at dalhin sa TGH.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang kalibre .45, isang .38 at 2 granada na apple type.

Dinala naman sa presinto ang asawa ng suspek na si Maria Magdalena Ignacio, 19, matapos makuha sa dalang pouch ang 8 sachet ng Shabu at isang malaking plastic sachet ng Shabu.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.