No. 2 Most Wanted na Dating Pulis, Nadakip

NADAKIP NG mga pulis ang dating kabaro na itinuturing na no.2 most wanted sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nadakip na si Daniel Gabion, 41, dating miyembro ng District Public Safety Battalion at residente ng Wisteria St., De Castro Subd., Mapulang Lupa ng lungsod.

Si Gabion ay natanggal sa serbisyo matapos mag-absent without official leave mula nang sampahan ng kasong Rape ng 14-anyos na anak na dalagita.

Sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon, natunugan ng mga kabaro na bumalik sa kanilang bahay ang suspek.

Dahil sa nagpapaupa ng kuwarto ang suspek ay isang asset ang pinapunta upang magkunwaring uupa sa bahay ng una.

Nang makumpirmang naroroon ang suspek ay agad na isinagawa ang pagsalakay na nagresulta sa pagkakadakip ni Gabion kung saan no bail sa kinakaharap na kaso ang una.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.