Nitong Halloween vacation
Billy Crawford at Coleen Garcia, nakitang magka-date sa Palawan

Billy-Crawford-Coleen-GarciaAN’DAMI NA naming mentions sa twitter na nagbubukong sina Billy Crawford at Coleen Garcia na, dahil sa mga larawang ipinadadala na overly sweet with each other sila. Ito ay pinabulaanan ni Billy sa isa niyang status sa facebook. Irita ang lolo n’yo sa mga nagbibigay ng malisya sa kanilang sweetness.

Pero kung kami kina Billy at Coleen, ba’t hindi pa sila umamin para matapos na silang pagtsismisan? Lalo na nu’ng nakaraang Halloween kung saan bakasyon din ang buong “It’s Showtime” ay may nakakita sa kanilang magka-date sa Palawan.

Kaya pala sa mga posts nina Vhong Navarro, Ryan Bang at Jhong Hilario sa kanilang Instagram account ay absent si Billy.

Kaya alam na, ha?

At ang huli naming balita ay madalas na bumisita kay Billy sa kanyang condo unit sa Eastwood si Coleen.

Kaya again, alam na, ha?

Pero walang malisya ito, promise.

 

Kuya, nawiwili sa casino, nagpatalo na naman ng P15M

 Billy-Crawford-Coleen-Garcia

BLIND ITEM: Ang akala ko, nagbago na si Kuya at nangakong hindi na muling tatapak ng casino para magsugal matapos siyang matalo nang P120M ngayong taon lang sa Macau. Super pinagsisihan na raw niya ito at na-realize niyang maling-mali ang kanyang ginagawa.

At ang sabi nga ng mga kaibigan niya, “Kung ‘yan ba ay itinulong mo na lang sa mga mahihirap tulad ng ginagawa mo? Eh, ‘di masarap pa sa pakiramdam. Kesa ipatalo mo lang for three days sa casino ang P120M mo, ‘di ba?”

Napagtanto naman daw ni Kuya na siya’y maling-mali Roon. At ang ipinangako pa raw nito sa sarili, “Hindi na. Ayoko na. Tama na ‘yon.”

Pero noon lang ‘yon, dahil noong October 27 naman daw, inabot nang buong maghapon si Kuya sa isang pinakabagong sosyal na hotel casino malapit sa MOA at natalo na naman ito ng P15M! Kuwento pa ng source ko, “Bago ‘yon, mga P3M lang. Nu’ng sumunod naman, P5M naman.”

Aba’y ano ba naman ang pakialam natin eh, pera naman niya ‘yon, ‘di ba? Pinagpaguran naman niya ‘yon at hindi naman ‘yon produkto ng pork barrel. Alam ko namang hindi naman ikahihirap ni Kuya kung ilang milyon pa ang kanyang ipatalo sa sugal, dahil an’dami rin naman niyang ari-arian na kahit hindi siya magtrabaho ay puwede nang bumuhay ito sa kanya hanggang sa siya’y malagutan ng hininga.

Kaso, pa’no kung araw-araw siyang magpatalo ng ilang milyon? Malamang, lahat ‘yan, puwedeng maubos agad.

Ako mismo, na-sad nang mabalitaan ito. Ako ang nanghihinayang kahit hindi ko pera ‘yan, eh. Hahaha! Kung ako sa kanya, kesa naman isugal niya ang milyones niya, ba’t hindi na lang niya ibili ito ng mga pang-grocery at magsagawa siya ng relief operations at pumunta siya sa Bohol para siya mismo ang mag-abot ng kanyang tulong?

At para makita niya ang mga kababayan niya roon na lagi na lamang ipinagdarasal na sana’y laging may mag-abot ng tulong sa kanila, samantalang siya’y gano’n na lamang maglustay ng pera.

Kaya kung ako kay Kuya, ‘wag sana siyang mawili sa pagsusugal, dahil hindi rin ‘yan makabubuti sa kanyang kalusugan.

 

KUNG HINDI kami nagkakamali ay huling episode na ng TodaMax this Saturday at papalitan na ito ng Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, Rico J. Puno, Sandy Andolong and many more.

Lahat naman ng bagay sa mundo, may katapusan, sitcom pa kaya?

I’m sure, tanggap na ito ng TodaMax cast lalo na ni Vhong Navarro, dahil napamahal na sa kanya ang show na ito na unang pinagbidahan ni Robin Padilla na nu’ng mag-decide ang action star na magpahinga ay kung sinu-sinong malalaking artista ang kinuha para mapunuan ang absence ni Robin.

Nagsimula nu’ng Nov. 5, 2011 ang TodaMax at hindi na masamang almost 2 years din itong namayagpag sa ere.

Sa mga huling episode ng naturang programa ay sinamahan ni Ai-Ai delas Alas si Vhong at ang buong grupo.

Hindi pa namin nakakausap si Vhong kung ano ang plano ng ABS-CBN sa kanya bilang kapalit ng TodaMax. Huling nakita sa Kokey si Vhong hanggang sa mamayapagpag na ang potah sa It’s Showtime.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Nitong Halloween vacation
Billy Crawford at Coleen Garcia, nakitang magka-date sa Palawan

  1. I can’t believe BILLY issucha. Douchebag. Dyosme, me ang pinatulan KARINDERYA NG BAYAN. Kung baga pinasawaan na at hindi mo man lang maipagmaklaki sa mga magulang mo. Isa pa maganda ang ang bruha eh nakakaumay naman pandak pa at ano ba talent meron to? Ats aka ana na ba na achieved niya? Paki refresh ako. Well, sabagay bagay naman sila. Parehong hindi nakapagtapos yun nga lang if si Billy may maipagmamalaki si Coleen naman hindi ko alam anong pwede niyang ipagmalaki. Baka yung mga NIKE shoes nya lang sa Instagram. Paalala Billy, tatanda rin tayo kahit gaano ka pa ka successful pagdating ng panahon masarap pa rin umuwi sa bahay na may uuwian kang alam mong mag aalaga at mamahalin ka. Huli na para sa iyo, minahal ka ng babaeng pwede mo sanang pakasalan pero binalewala mo. You don’t deserve a SMART,EDUCATED,VERSATILE and TALENTED person like Nikki. Magsama kayo ni Coleen. LOSERS!

  2. hay nku mga artista tlaga super sinungaling….laluna yang billy joe popeye nyan…my pagalit-galit pa kuno samga ngbabash sa starlet na colleen nyan nung mgbreak cla ni nikki…at wgdaw c colleen ang sisihin…at sbipa ng popeye eza ang harapin at puntahan sa showtime ngmga bashers daw…o ano ngaun lumitaw na truelili pala hinala ngmga utaw na ahas at higad ngayang madyonding colleen nyan…hnggn ngaun nga super deny paang mga hitad!!! well bagay nman cla kc pareho clang makati pasa gabi!!!

  3. BI: cesar montano? kuya cesar. hehe. kasi bohol daw at kababayan niya. gensan naman si manny pakyaw eh. saka di ba bawal na sa religion ni manny pakyaw ang sugal..

  4. Ito ksi si coleen parang may tendency n walang pkialam sa sasabihin ng tao at may pgkaliberated…nging galawgaw na sa showtime mahinhin kuno at pamaang maangan pa na walang kinalaman sa break up ni nikki at billy…s totoo lng sya dahilan..at parang may tendency bumigay at mag premarital sex .where is the morality and v
    values…compare to nikki gil malayong malayo..good for ms.nikki di bumigay:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.