Niratrat sa Loob ng Bahay
Lalaki, Patay; Ka-Live-In, Sugatan

PATAY ANG isang lalaki habang sugatan ang ka-live-in matapos pasukin at ratratin sa loob ng kanilang ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rodrigo Clemente, 37, ng Magsaysay St., San Agustin ng lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si Margerie Gavino, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon, nakahiga sa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin ang nasawi subalit nahagip din ng bala ang babae.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa PLM.

Sa pahayag ni Gavino, dating sangkot sa pagbebenta ng Marijuana ang nasawi subalit tumigil na umano mula nang magsama sila.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.