Ninakawan ng baril at cellphone Parak, nambugbog at nagpakain ng sili sa 3 inmates

ILOILO CITY – HINIHILING ngayon ng tiyahin ng tatlong inmates sa Estancia Municipal Police Station sa Estancia, Iloilo ang pagsisiyasat sa nangyaring pambubugbog sa kanyang mga pamangkin.

Ayon sa tiyahin ng tatlong bilanggo na si Mary Jean Morales, ‘living-out’ ang estado ng kanyang tatlong pamangkin na sina Allan Lana, Gilbert Laraya at alyas Nilo matapos inireklamo ng Child Abuse at Physical Injury.

Ang mga ito ay pinapahintulutang makalabas ng kulungan sa umaga at pinababalik sa police station pagsapit ng gabi.

Isang gabi aniya, ipinatawag ang kanyang tatlong pamangkin at ibinartolina sa kulungan ng police station.

Ang masaklap umano, pinakain sila ng sili at pinaliguan ng tubig na mayroon ding halong sili.

Sinasabing ang kanyang tatlong pamangkin ang pinagbibintangan na siyang nagnakaw ng service firearm at cellphone ng pulis na may apelyidong Villaruz.

Ang nabanggit na pulis ayon sa tiyahin ang nambugbog sa kanyang mga pamangkin matapos pakainin ng sili ang mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.