Nina, walang keber kung mag-hello ang boobs!

MARAMI ANG NAIINTRIGA ngayon sa sobrang closeness ng dating sexy star na si Aubrey Miles at ng guwapong model na ex-boyfriend ni Marian Rivera na si Ervic Vijandre. Nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa nang magkasama sa isang isla bilang castaways ng Survivor Philippines Celebrity Edition.

Pagbalik nila sa Pilipinas, nagpatuloy ang magandang samahan nila. Sa mga isinasagawang mall-tours at iba pang activities kaugnay ng promo ng Survivor, kapansin-pansin diumano na itong sina Aubrey at Ervic ang laging magkadikit na parang there’s something na nga raw between them.

Lalo pang nalagyan ng malisya at ibang kulay ang closeness nang dalawa dahil sa balitang sa mga personal na lakaran ay sila pa rin umano ang nakikitang magkasama. And the most recent nga raw that they were seen together ay sa isang resto-bar sa Makati.

At dahil diyan, siyempre marami ang nagtatanong – alam daw ba kaya ng live-in partner ni Aubrey na si Troy Montero ang tungkol sa balitang napapadalas na paglabas-labas nga umano nito kasama si Ervic?

May mga nagdududa rin kung hindi raw ba kaya hiwalay na sina Aubrey at Troy kaya ngayon ay laging namamataang ka-date nga ng former sexy star ang ex-boyfriend ni Marian?

We’ll try to get Aubrey and Troy’s reaction tungkol dito at pati na rin ang panig ni Ervic. Siyempre, sino ba ang mas nakakaalam ng totoong kuwento kundi silang tatlo. Naman!

It’s been almost a week since the 2nd PMPC Star Awards For Music was held at the Henry Lee Irwin Theather of the Ateneo de Manila University. Pero patuloy pa ring napag-uusapan ang nakaw-eksenang drama ng nanalong Female Pop Artist of The Year na si Nina.

Buong ningning kasi siyang dumating sa nasabing awards night na sakay ng isang white Lamborghini na dinig namin ay mga 23 million daw ang halaga. At hindi umano iyon ni-rent kundi kay Nina raw talaga, huh!

Ang akala namin, si Arnel Ignacio na ang pinakamataray ang entrada dahil sakay siya ng isang puting limousine, kakabugin pala ito ni Nina. Eh, pagbaba pa sa nasabing mam-ahaling sports car ng singer, scene-stealer pa rin siya dahil sa kanyang suot na white gown na hapit na hapit sa gawing dibdib na talagang mistulang mga namimintog na melon ang kanyang boobs!

Heto na… after the awards night, habang papalabas ng venue si Nina, pinagkukumpulan siya ng mga gustong magpa-picture with her. Hala… pose dito… pose doon ang drama niya na hindi napapansing unti-unting nahihila pababa ang suot niyang gown hanggang hindi niya alam, naghi-hello na hindi lang ang kanyang dalawang nakausling boobs kundi pati nipples na.

All smile si Nina sa pagpapa-picture with the fans tapos all-out ding naka-hello ang boobs at nipples niya. Ano ba ‘yon?

HINDI KAMI NANINIWALANG gimik lang ang pag-iyak ni Gerald sa presscon kamakailan ng bagong pelikula nila ni Kim Chiu na ‘Til My Heart Aches End. What we saw nang mga sandaling iyon ay talagang totoong emosyon ng young actor as a person who admitted na nasaktan niya nang husto ang kanyang ka-loveteam na naging karelasyon din niya noon bago ang pagkakaugnay niya kay Bea Alonzo ngayon.

Inakala nga naming tuluy-tuloy na ang paglalabas ng saloobin ni Gerald. Bumilib kami sa kanyang pag-amin na kahit anong gawin niya, hindi nga raw niya mapapantayan ang pagtanggap sa kanya ni Kim despite of all the heartaches he has caused her, at ‘yong lahat daw ng ginawa ng dalaga para sa kanya.

Pero pagkasabi ni Gerald na tao lang siya at hindi siya perpekto, tumayo na siya at lumabas ng Dolphy Theater na siyang naging venue ng presscon. Kasunod ay ang announcement na hindi na nga raw makababalik ang actor dahil nagha-hyperventilate na raw.

Si Kim bilang reaksiyon, nagpahayag na lang ng kanyang pag-asam na kung maayos kung anuman ang pinagdaraanan nila ni Gerald ngayon. Tanggapin na lang daw sana kung ano ang nangyayari ngayon kasi’y okey naman daw siya. Ayaw na raw niya na may gulo pa, at ng mga nagbabanta na papatayin si Gerald, papatayin si Bea at sasabuyan pa ng asido sa mukha. Sana raw ay maintindihan din ng lahat na meron din silang kanya-kanyang personal na buhay.

Maraming tanong ang naiwan sa isip ng mga press people na naroon sa presscon na ‘yon. Pero wala na ang mga taong tanging makapagbibigay ng kaukulang mga sagot. Hindi naman sila puwedeng pilitin kung gano’ng hindi nga nila kayang isiwalat kung ano nga ba ang mismong kuwento sa likod ng mga intriga at kontrobersiya.

May Bea na sinasabing siyang karelasyon ngayon ni Gerald. May Jason Abalos naman na inili-link ngayon kay Kim. At ang tanging nag-uugnay na lang sa kanilang dalawa ngayon ay ang kanilang loveteam.

Sa kabila nito, we’d like to believe na malakas pa rin ang hatak ng Kimerald loveteam. Marami pa rin silang followers na handa pa ring suportahan ang kanilang tambalan.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

11 thoughts on “Nina, walang keber kung mag-hello ang boobs!

  1. wow nina ano ba yan.hanga pa naman ako sa boses mo kaso di ka naman nag iingat sa pananamit mo yuccccccckkkkkkk…

  2. panong hindi mararamdaman ni Nina eh halatang peke yong boobs nya puro silicone patong patong na kaya si nipple wala ng pakiramdam na nag hello na,pwede ba hwag ng pag-aksayahan si ugly duckling Nina dahil kahit ano gawin nya mukha pa rin syang trying hard na bakla!

  3. Eh ano Kung 23 million pesos ang halaga?
    Bayad ba ang buwis niyan?

    Daming smuggled ngayon na kotse no! O kaya falsified and documents.

    Echosera!

  4. eh diba, si aubrey at ervic nga kasi ang naba-blind item na sa isla sa Survivor Philippines, ang girl na jinuti ang naghuhumindig na notes ng boy, na si Ervic nga…..

  5. Wala din bang keber si Nina kung lumagapak ang high notes niya? Katulad nung nangyari last Sunday? Hehe. Still love her though.