Nina, nireresbakan ni Nyoy Volante?! – Pilar Mateo

SECRETLY SEEING NGA ba ang ‘secret’ friends na sina Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz?

Kahit na nasabi na sa amin ni Ruffa sa last interview namin dito sa The Buzz na hindi muna ang pagkakaroon ng love life ang aatupagin niya sa taong ito at paghihintayin niya ang sinumang magtangkang lumigaw sa kanya na magpursige na lang pagsapit ng Year of the Rabbit, may ilang nakatutuwang revelations kaming napulot sa pag-attend namin ng 5th annual feng shui extravaganza ng feng shui expert at masasabing grand master na ng nasabing larangan dito sa Pilipinas na si Ms. Marites Allen-kung saan, isa sa mga naging co-host niya ay si Ruffa nga.

Habang tumutulong si Ruffa sa paghahain ng mga katanungan kay Ms. Allen sa mga updates tungkol sa mga suwerteng animal signs sa papasok na Year of the Tiger (sa February 14), na taon ni Ruffa, ang mga naipaliliwanag ay nabibigyan ng mga pangalan ang mga celebrities na isinilang sa nasabing animal sign.

At ang bawat animal sign kasi ay may tinatawag na allies at secret friend. Kaya, nang basahin ang chart ng Year of the Tiger na si Ruffa, lumabas na ang secret friend ng Tiger ay ang Boar o Pig.

Si Kris Aquino ang isang taong malapit kay Ruffa na born in the year of the Pig. Pero si Ms. Allen ang nagsabi o nag-buking na ang kapareho pala ng birthday ni Ruffa (June 24) na born in the year of the Pig eh, walang iba kundi ang sinasabi ng aktres na kaibigan pa rin niya hanggang ngayon na si John Lloyd Cruz!

Kaya nga, medyo nagtilian at nagpalakpakan pa ang ilang mga taong nasa audience. At hindi naman malaman ni Ruffa kung anong pagpapaliwanag ang gagawin. Kaya, she stood firm in saying na, no love life for her this year, although her chart says na this is the year when love will bloom lalo na para sa mga single sa lahat ng animal signs.

O, ‘di ba? Pati na ang mga paths ng kanilang direction in feng shui leads to only one direction, na puwedeng maging compatible ang dalawang malapit naman talaga ang puso sa isa’t isa sa pagiging magkaibigan nila.

At same birthday pa, ha?

NGAYONG NAG-IINGAY ANG first female recording artist na ginawaran ng Diamond Record Award (exceeding 200,000) units na si Nina at nakapagbibigay pa rin ng opinion sa hidwaan nila ng ex-boyfriend niyang si Nyoy Volante na humantong na sa Korte, ang mga tagapagtanggol naman at supporters ni Nyoy ang rumeresbak kay Nina ngayon sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga istoryang involving her and Nyoy noong sila pa.

Kesyo there was a time raw na nahuli ng pulis ang dalawa na intimate sa loob ng sasakyan nila. At gusto pang palabasin na nanuhol sila para hindi na lang sila tuluyang hulihin. Ang bad, ‘di ba? Kasi, kinailangan pa raw na pumunta ni Nina sa ATM para mag-withdraw. Ang cheap, huh!

Siguradong tatawanan lang ni Nina ang nasabing isyu. Lalo na kung malalaman niyang mga taong gusto lang ilihis ang nai-share niyang istorya sa pag-snob sa kanya ni Nyoy sa isang event na nagkasalubong sila ang pinagmulan ng nasabing resbak attack.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Nina, nireresbakan ni Nyoy Volante?! – Pilar Mateo

  1. ANTI NYOY, do not judge nyoy immediately. siguro iniisip ni nyoy that time na komo gf niya si nina ay pwede siyang maka-utang-hingi ng pera na kahit hindi bayaran ay ok lang which is maybe contradicting maybe sa reason ni nina na kung utang ay utang na dapat bayaran (which is true).

    wala tayo sa position to judge both of them. we can express our opinions or comments pero ‘wag naman sana sa paraang humuhusga tayo ng tao.

  2. bakit ba hindi na lang niya bayaran? i believe nina and her story. bakit siya mag iimbento ng kacheapan na issue na ganito kunghindi totoo? besides definitely may career si nina, she does not need the bad publicity.

Leave a Reply

Your email address will not be published.