Nina, ‘di titigil hangga’t ‘di nakakabayad si Nyoy Volante

BLIND ITEM: ISANG reliable source ang nagkuwento sa akin na kahit i-deny nina Hunk Actor at Sexy Young Actress na may espesyal na relasyong namamagitan sa kanila, mismong mga tao sa tinitirhan nilang condo unit somewhere in Mandaluyong ang nagpapatotoo na mukhang nauwi na sa totohanan ang lahat.

Ayon sa aming source, nakasabay nila sa elevator ang hunk actor at sexy young actress, alas-singko ng umaga na sweet na sweet at naghahalikan. Mukhang nanggaling daw sa gimik dahil kilala na parehong mahilig sa gimikan ang dalawang ito. Hindi nga lang daw klaro kung tutuloy ang dalawa sa unit ni sexy young actress or sa unit ni hunk actor dahil nasa iisang condo unit sila, magkaiba nga lang ng cluster.

Wala naman kaming nakikitang masama sa ginagawa ng dalawa dahil ilang buwan nang break si hunk actor sa kanyang wholesome image na girlfriend na sobrang nasaktan sa paghihiwalay nila. Si sexy young actress naman, kumpirmadong break na rin sa kanyang kontrobersyal na politician boyfriend.

Kumbaga, pareho na silang walang natatapakan dahil pareho naman silang malaya. Ang ‘di lang siguro maganda ay pareho pa nilang dine-deny na wala silang relasyon, pero marami ang nakakakita sa kanila sa ganitong mga tagpo. Gaya nga ng kasabihan sa showbizness, lalabas at lalabas din ang katotoha-nan, itago man ito at ipagkaila.

 

AGAD NAMING HININGAN ng reaksyon ang Soul Siren na si Nina sa pagkanta ni Nyoy Volante ng pinasikat niyang kanta na Someday sa ilang mga shows nito.

Kung matatandaan ay nauwi sa demandahan ang naging relasyon ng dalawa, kung saan nagsampa ng Estafa case si Nina laban sa mga magulang ng ex-boyfriend, at nga-yon ay on-going pa rin ang nasabing kaso.

Ayon kay Nina, karapatan ng ex niya na kantahin kung anuman ang gusto nitong kantahin at hahayaan na lang niya na magbigay ng komento ang mga taong nakakarinig. Sa kanya ay walang problema ang ginagawa ni Nyoy, pero kung na-identify ang isang kanta sa isang singer, it’s either gawin mo ito nang mas maganda or ‘wag mo na lang kantahin.

Ayaw na ring magbigay ng updates sa kaso na isinampa laban sa mga magulang ng ex-boyfriend dahil humiling ang mga ito na huwag nang magbigay ng anumang pahayag tungkol dito ang Soul Siren. Pero ang siniguro sa amin ni Nina, tuluy-tuloy pa rin ang kaso, at ‘di sya titigil hangga’t di siya nababayaran.

Kagagaling lang ni Nina sa Ame-rica kasama ang Sessionistas for a series of shows. Tinanong namin kung babalik pa ba siya sa ASAP, dahil marami ang naghahanap kay Nina sa Sessionistas. Pokus lang siya sa ngayon sa album niya under Universal Records, pero sa launching nito ay mapapanood muli sa ASAP ang mahusay na singer. Marami ang nagsasabi sa amin na kumbaga sa handaan, kulang kung wala si Nina na siyang biritera ng grupo.

Tinanong din namin kung nasa estado na ba na engage na sila ng non-showbiz boyfriend o may plano na bang mauwi sa kasalan ang apat   na  taon  na  rin  nilang relasyon, aminadong masaya at kuntento siya sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend, pero ‘di naman sila nagmamadaling dalawa at sa ngayon ay naiintindihan ng nobyo na marami pa siyang gagawin sa larangan ng musika.

FROM 2:30 PM, mapapanood na ang Reputasyon ng 5:00 ng hapon ka-back to back ng Maria La del Barrio. Due to insistent public demand, kung saan nakatanggap ang staff ng Reputasyon ng mga requests na sana ay ilipat ito ng oras na nasa bahay na ang marami sa tagasubabay ng nasabing serye na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Inaabangan at talaga namang tinututukan ang Reputasyon dahil na rin sa mga nakakagulat na twists na lalong nagpapaganda ng istorya, lalo pang dapat abangan ang mga mapapanood na mga eksena ngayong linggong ito dahil mukhang magkakaroon na rin ng kakayahan ang pamilya Delos Santos na lumaban sa kasamaan ni Catherine Montemayor na mahusay namang ginagampanan ni Aiko Melendez.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Nina, ‘di titigil hangga’t ‘di nakakabayad si Nyoy Volante

  1. Agree, kailangan magbayad ka ng nautangan mo kasi para hindi ka magmukhang manggagamit. Sa oras na nangailangan ka, nandiyan yong taong tumulong sa yo at ngayon na nakuha mo na ang gusto mo, iniwanan mo na lang yong taong tumulong sa yo when you were at your low point of your life. Nakakahiya ang taong ganito at walang kaibahan iyan sa MAGNANAKAW!!!! I remember there was a blind item written about Nina na tinawag daw ito na pangit at ang nag comment ay sinabing si Nyoy at Jimmy daw ang answer. OMG kung tingnan mo rin ang mga mata ni Nyoy, parang shape din sa mata ng PALAKA.

  2. BI: Bad breath Jake Cuenca and Lovi Poe. As for Nina, dapat naman na ituloy ang paniningil. Turuan ng leksiyon and balasubas na si Nyoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.