Nilayasan ni Misis; Adik na Mister, Nagpakamatay

MINABUTI NA lamang ng isang mister na wakasan ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti makaraang layasan siya ng kanyang misis nang hindi makayanan ng huli ang bisyo ng una sa iligal na droga sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Patay na nang makitang nakabigti ang biktimang si Romeo Dela Cruz, 35, ng Franville 2 Subd., Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang makitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng kanyang pamangkin na si Danilo.

Hindi na nagawang madala sa ospital ang biktima dahil wala nang hininga.

Nabatid na noong nakaraan linggo ay iniwan ang biktima ng kanyang asawang si Cathey dahil umano sa pananakit, paglalasing at paggamit ng droga ng una.

Huling nakitang buhay ang biktima kamakalawa ng gabi na nakikipag-inuman hanggang sa makitang patay na.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagpapakamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.