Nilayasan ng Misis; Mister, Nagbigti

DAHIL UMANO sa sobrang pangungulila sa lumayas na asawa, isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang biktima ay isang alyas “Toto Tulame” nasa hustong gulang, may asawa, tagahasa ng lagare, at residente ng Gov. Pascual St., Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng Navotas Police Station, dakong alas-5 ng hapon nang matagpuan ng ilang kapitbahay ang malamig na bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa naturang lugar.

Ang biktima ay natagpuan umano na may nakataling patid na nylon cord at electrical wire sa leeg at ang dulo ay nakatali naman sa kisame ng nasabing kuwarto ng biktima.

Ayon sa ilang kapit-bahay ng biktima, ilang araw bago umano isagawa ng biktima ang magpakamatay ay napupuna nila ang biktima na malulungkutin at malalim ang iniisip mula umano nang iwan ito ng kanyang asawa.

Kaugnay nito, patuloy namang nagsasagawa ang Navotas Police ng masu-sing imbestigasyon upang malaman kung sadyang nagpakamatay si Toto Tulame o may naganap na foul play.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.