Nilaro ang Sarili sa Harap ng Bebot, Arestado

HINDI NA napigilan pa ang bugso ng damdamin ng isang 36-anyos na lalaki at sa harapan pa mismo ng isang babae nito isinagawa ang pagpaparaos dahilan upang arestuhin ito sa Barangay Aguinaldo, Lapaz, Iloilo City.

Base sa reklamo ng dalagang itinago sa pa-ngalang “Mercy”, abala umano siyang naglalaba sa labas ng kanilang bahay nang mapukaw ang atensyon niya ang suspek sa alyas na “Boy Ungi”, 36-anyos habang nagmamasid sa kanya na tila ba hinuhubaran nito ang biktima sa imahinasyon nito.

Habang nakatingin umano sa kanya ang lalaki, bigla umano nitong inilabas ang ari at saka pinaglaruan sa harap ng dalaga.

Dahil sa takot, kaagad na tumalilis ang biktima at pumasok sa loob ng bahay at sinabi sa mga magulang ang nakita kaya naman kaagad inireklamo sa awtoridad ang lalaki.

Ayon kay SPO2 Jessie Cabial ng Lapaz Police Station, hindi na umano bago ang reklamo sa suspek sapagkat marami na rin ang dumulog sa kanilang himpilan upang isumbong ang suspek, sapagkat parati umano nitong ginagawa ang pagpaparaos sa harap ng babaeng matitipuhan  nito.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.