Nilalayuan daw kasi ng mga anak
Jackie Forster, inaaway ang asawa ni Benjie Paras!

MABUTI NAMAN at nagkabati na pala sina Ara Mina at Cristine Reyes.

As of presstime, sinusubukan pa ng Startalk na makunan ng interview si Ara tungkol sa kanilang pagbabati, pero wala pang sagot ang aktres dahil mas gusto niyang manahimik na lang muna.

Nakaka-text naman si Ara ng isang Startalk reporter namin at sinabi naman daw nitong na-feel niya ang sincerity ni Cristine na makipag-ayos na sa kanya.

Si Cristine din naman ang unang nag-post sa Instagram ng litrato nila ni Ara na magkayakap at okay na nga sila.

Meron din siyang isang litrato na kumpleto silang pamilyang nagkita-kita kaya mukhang inayos ito ng pamilya para sa kanilang dalawa.

Alam ko, nabasura ang kasong isinampa ni Ara laban kay Cristine, pero ipinasa nila ito sa Department of Justice kaya tuloy dapat ang kaso.

Sabi naman daw ni Ara, hindi pa nila napag-usapan ang tungkol sa kaso. Pero kung ganyang naayos na ang pagbabati nila at okay na sila uli, tingin ko wala na ‘yung kaso.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang pagsasalita ni Ara tungkol dito.

Sabi raw niya ,mahabang kuwento ‘yang pagbabati nila kaya pakinggan muna natin siya.

 

NAKU! MABUTI at hindi naman pinapatulan ni Benjie Paras itong mga pang-aaway ni Jackie Forster sa asawa niyang si Lyxen.

Nag-post daw kasi itong si Jackie na galit siya kay Benjie at sa asawa nito dahil inilalayo daw sa kanya ang dalawa niyang anak.

Sa totoo lang, matagal nang isyu ‘yan, ha! Malalaki na ang mga anak nila ni Benjie at hindi mo na puwedeng kumbinsihin ‘yan na lumayo sa Mommy nila.

Ang alam ko talaga, ayaw ng mga anak nilang lumapit kay Jackie. Ito namang si Jackie, sina Benjie at ang asawa  ang sinisisi.

Ilang beses namang sinasabi ni Benjie na hindi niya pinagbabawalan ang dalawang anak niya na lumapit kay Jackie dahil alam naman nila ang lahat. Pero itong mga bata talaga ang ayaw, kaya wala na silang magagawa.

Ngayon, nag-iingay na naman daw ito, at kung anu-anong nilalagay sa Facebook nito. Ang kuwento pa nga sa amin, pati raw si LJ Moreno nakikialam din, kaya ang ending, itong mga anak na mismo nila ni Benjie ang nagagalit.

Kaya minsan, ayaw na ni Benjie na i-showbiz ang mga anak niya dahil ayaw niyang paulit-ulit na tinatanong ang tungkol kay Jackie.

Kahit ang mga bata mismo ay ayaw nang pag-usapan ang kanilang ina.

Dapat siguro manahimik na lang si Jackie, dahil lalong napapalayo sa kanya ang mga anak niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Nilalayuan daw kasi ng mga anak
Jackie Forster, inaaway ang asawa ni Benjie Paras!

    • di nakatikim si Pnoy dun…di mo ba alam na bading yang si pnoy na yan?? di mo naaamoy #motmot???

Leave a Reply

Your email address will not be published.