Nilalanggam na: Israeli, Natagpuang Patay sa Apartment

WALA NANG buhay nang matagpuan ang isang Israeli national sa kanyang apartment sa Bankers Village, Dungon B., Jaro, Iloilo City.

Ang bangkay ng dayuhan na kinilalang si Amaseya Benjamin, 73, ay nilalanggam na nang matagpuan ng katiwala ng apartment na nirerentahan nito kamakailan.

Hindi pa matiyak kung may foul play sa pagkamatay ng dayuhan at nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinaniniwalaang bakas ng dugo na nakita sa silid nito.

Lumalabas sa imbe-stigasyon, Nobyembre 18, 2012 nang dumating sa lugar ang Israeli na pinaniniwalaang pumunta ng Pilipinas para makipagkita sa kanyang kasintahan.

Samantala, ayon sa kapit-bahay ng dayuhan, paminsan-minsan pumupunta sa apartment nito ang kanyang live-in partner na taga-Kalibo, Aklan kung saan huli itong nakita noong nakaraang buwan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.