Nikki Gil, wala nang pakialam sa mga nangyayari kay Billy Crawford

Nikki-Gil-Billy-CrawfordAFTER HER much talked-about break-up with Billy Crawford, Nikki Gil remains elusive kaugnay sa mga intrigang nagsusulputan tungkol sa iba’t ibang anggulo ng kanilang hiwalayan.

Nauna nang nagsalita sina Billy at Coleen Garcia who is allegedly the third party in the break-up sa isyu tungkol sa mga larawang diumano’y nagpapatunay na may itinatagong relasyon ang dalawa. Nakorner kamakailan ng Buzz ng Bayan si Nikki sa isang event ng kanyang bagong endorsement. She was asked to comment about the controversial photos.

“That’s none of my business. I have nothing to do with that. Everyone has a story to tell,” sabi niya.

Ready na ba siyang makarinig ng kuwento about Billy gaya ng he has moved on or he has a new relationship? “I don’t care! I just wanna move forward. I am done with that. I think I’ve wasted time and energy on it. Ok na ako. Things have been said. It is what it is. Hands off na ako diyan,” ang walang kagatul-gatol niyang sagot.

Sa ngayon ay hindi pa raw siya handa na maging kaibigan si Billy. “I am not rude. I can be civil. I don’t also want to be fake. If your question [is] if we can be friends or not, parang not now. Parang no. I am just being real. I can’t. Not now, at least,” pag-amin ni Nikki.

Balitang may idine-date ngayong businessman si Nikki. Is she ready to fall in love again? “Nakakaloka! Oh my God! Friends lang. Ako naman, I’m single. I can go out and date and mingle whoever I want but nothing serious. But I don’t want to jump from one relationship to another. May mga masasaktan in the process. Ayoko namang makasakit. Basta ako, I am open to friendships,” Nikki explained.

It’s good to see Nikki trying her best to move on and to stay positive in life. Naaalala ko tuloy ang aking interview noon kay Nikki sa Bandila. Nikki admitted that despite what happened to her lovelife, she still believes in love.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

One thought on “Nikki Gil, wala nang pakialam sa mga nangyayari kay Billy Crawford

Leave a Reply

Your email address will not be published.