Nikki Gil, seryoso sa relasyon kay Billy Crawford – Eddie Littlefield

AT LAST, GRADUATE na si Nikki Gil sa kursong English Literature sa Ateneo University kaya seryoso na niyang haharapin ang kanyang showbiz career. Sinimulan na niyang gawin ang Komiks Presents: Agimat bilang leading lady ni Coco Martin at ang teleserye na Nagsimula Sa Puso kasama sina Maja Salvador, Jason Abalos at Coco.

Type of songs na gustong gawin ni Billy para sa ‘yo ? “ Well, still my sound, still pop R ‘N B but gusto niya more on dancing. Nadiskubre kasi niyang madali akong turuan. Nadiskubre niyang puwede pala akong sumayaw. For his album mayroon kaming duets,  ‘yung You’ve Got A Friend. For my album, we have one also.”

Right now, do you have time for each together kahit pareho kayong busy sa trabaho? “Mayroon naman, ‘yun ang maganda dahil hindi kami parehong nagte-teleserye. Kung pareho kaming nagte-teleserye mahirap kasi, hindi talaga magtutugma ‘yung schedule namin. He’s more of a performer and he’s not doing teleserye, nakakasira ng boses ‘yun. We have time na magkita kami, papakainin niya ako.”

Sa tingin kaya ni Nikki, mame-maintain kaya nila ni Billy ‘yung kind of relationship mayroon sila ngayon? “In general, wala namang relationship na madaling i-maintain. Relationship required extra challenge because we’re in showbiz. Maraming factors na hindi maiiwasang pag-usapan but  the important thing is you trust each other. Hindi naman namin talaga masyadong binibigatan ‘yung relasyon namin. Gusto namin ‘yung relationship namin  something that we enjoy, hindi ‘yung pabigat sa buhay namin.“

Ano ang qualities na nagustuhan mo kay Billy? “He’s very malambing, very thoughtful and karinyoso and baby siya.”

Lesson na natutuhan ni Nikki sa past relationship niya? “Ako po kasi ‘yung type of a person na I want to see the ending, eto ‘yung dulo. Hindi ako ‘yung tipo na sige, try natin, pag nag-work, nag-work. Gusto ko, pag nakita ko, pinasok ko itong relationship ito, ‘yung may patutunguhan. Seryoso kami, hindi laru-laro lang o experiment.”After Gab (Valenciano) si Billy na ang sumunod.  Four years in between, ang tagal.”

Plans ninyong dalawa ni Billy ? “Career-wise, gusto pa namin mag-work together. Gusto pa namin magkaroon ng shows together. Gusto pa namin gumawa ng album together, marami pa kaming gustong gawin. Gusto namin ‘yung show tour together, ‘yung mga out-of- the-country tours.”

Possessive ka ba ? “Not necessarily kasi ako, kung ayaw mo sa akin, ‘di huwag, ‘di ba? If it’s meant to be, it’s meant to be pero may selos factor pa rin. Hindi maiiwasan ‘yun but I guess it’s because Billy is 27, so our relationship is not exactly high school anymore. Hindi na siya ‘yung patingin ng “cellphone mo”, hindi na ganu’n, eh, matured na siya.

Sa takbo ng relationship nina Nikki at Billy parang perfect sila together. “ I’ think ‘yung age different namin has everything to do with it. Matured na nga si Billy and he has been through much in life. Ako naman, I’m still learning, parang may factor na kunwari kapag mainit ang ulo ko, hindi niya ako sinasabayan.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Nikki Gil, seryoso sa relasyon kay Billy Crawford – Eddie Littlefield

  1. pumuti na pala si nikki buti pa siya e si angel retokada laosin nagme-MET pero baluga pa rin ever!

Leave a Reply

Your email address will not be published.