Nikki Gil, never been touched?

Nikki-GilKAHIT HINDI aminin nina Billy Crawford at Coleen Garcia, matagal nang mag-dyowa ang dalawa. Last year pa naging sila after nang break-up nina Billy at Nikki Gil. Kahit super deny ang singer/ TV host, marami ang nagsasabi na si Coleen ang naging dahilan ng split-up nang dating magkarelasyon. Palibhasa magkasama sa noontime show sina Billy at Coleen, hindi sinasadya ng international singer na ma-develop at ma-in love siya sa dalaga.

Hindi itinanggi ni Nikki na sobra siyang nasaktan sa break-up nila ni Billy. Pero ngayon, naka-move-on na ang singer/actress kahit first serious relationship niya ang binata. Hindi ganu’n kadali para kalimutan agad-agad ang ilang taon nilang relasyon. Kahit naka-recover na ito, hindi pa handa si Nikki na maging friends sila ni Billy. Hayaan na lang daw ang panahon ang magtakda kung kailan mawawala sa puso niya ang sakit na idinulot ng unang lalaking kanyang minahal.

Kahit may nanliligaw ngayon kay Nikki, hindi pa raw siya ready for another serious relationship. Ayaw muna nitong mag-entertain ng suitors. Mas gusto nitong mag- focus muna sa kanyang acting career. Hinangaan ang galing niya sa pag-arte sa teleseryeng Maria Mercedes.

Habang si Billy naman, ini-enjoy ngayon ang relationship nila ni Coleen. Madalas mag-date ang dalawa at kadalasan, nasa condo unit lang sila. Hindi mo nga raw mapaghiwalay ito after nang kanilang noontime show. Magkasundo sila sa maraming bagay kaya’t agad na naging sila. Mas liberal kasi itong si Coleen compared kay Nikki. May pagka-conservative ang dalaga at may mga limitation daw ito pagdating sa love relationship nila ni Billy. Ibig kayang sabihin, never been touched pa si Nikki Gil?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Nikki Gil, never been touched?

Leave a Reply

Your email address will not be published.