Nikki Gil, nagdeny na buntis! by Alex Brosas

Gulat na gulat si Nikki Gil nang tanungin siya kung preggy na nga ba siya at magpapakasal na sila ni Billy Crawford.

“Ha? Saan naman nanggaling ‘yan? Bakit daw? Ano raw ang proof that I am? Of course, not.

Nakakatawa naman. ‘Pag napanood ito ng tatay ko, magwa-wild ‘yun,” sunud-sunod na sagot ni Nikki sa And I Love You So presscon. Kitang-kita ang surprise sa kanyang mukha.

Natsismis man na buntis, maganda pa rin ang pananaw ni Nikki.

“Eto na lang. Eto ang isang showbiz couple na trying to make it right, trying to not exactly set an example but to do things the right way. Hindi naman naming itinatago, na open kami sa pagmamahalan naming sa isa’t isa. We’re not ashamed of it. We really want it to work. And the reason why we’re talking about marriage …wala naman talaga kaming plano na magpapakasal na kami, na may date na, ganito, ganyan. It’s parang proof lang na ang generation ngayon, mas seryoso sa buhay. It’s good to have a life plan, it’s good to have a goal para hindi ka….I’m really that kind of person.”

Klinaro rin ng dalaga ang isyung lilipat siya sa GMA-7. Ito ay matapos na lumabas sa pekeng Facebook account ni katotong Jun Lalin na si Nikki ang makakapareha ni Richard Gutierrez sa isang show nito sa Siyete.

“It never crossed my mind to transfer. Nagulat na lang ako. It’s an honor na matsismis ako nang ganyan. Sa lahat naman ng puwedeng matsismis sa ABS-CBN artists, bakit ako pa?” say ng dalaga.

“My loyalty is to the Kapamilya network.  You know, etiquette na lang. Dito ako nagsimula. Masaya naman ako dito. I fact, I have  a lot of projects. Mayroon akong dalawang shows na uumpisahan.”

Hindi nga rin makapaniwala si Billy sa tsismis na lilipat si Nikki sa GMA-7. “Na-shock siya. Sabi niya,” matapos kong lumipat dito, ikaw naman ang lilipat? Bakit ko naman gagawin iyon, eh, nandito siya. Siyempre, we want to be in the same network so that we can work with each other.”

BLIND ITEM!

KALOKA ANG ISANG magaling na singer. May experience siyang hindi makakalimutan nang minsan siyang mag-show sa abroad.

Nang nasa airport kasi sila ay ipinatawag ang female singer sa immigration room. Siyempre, medyo kinabahan ang mang-aawit dahil baka may problema sa kanyang mga papeles. Meron nga.

Sinipat nang maigi ng immigration officer ang singer, as in tiningnang mabuti ang kanyang mukha. ‘Yun pala, ikinukumpara ng officer ang photo ng singer sa kanyang passport. Hindi kasi kamukha ng singer ang litrato niyang ginamit sa kanyang passport. Iba ang ayos ng buhok niya kasi nagpagupit siya at medyo makapal din ang kanyang make-up nang mga oras na iyon.

Doon na nagkaroon ng problema. Nagtagal ang singer sa kapapaliwanag na siya nga ang nasa litrato sa passport. Kaya lang, hindi kaagad naniwala ang immigration officer. Nang magkaroon ng pagtatalo, sinampal daw ang singer ng officer. At dahil nasa ibang bansa, afraid daw ang mang-aawit na magreklamo.

Simula noon, tinandaan na ng singer ang experience niyang iyon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

10 thoughts on “Nikki Gil, nagdeny na buntis! by Alex Brosas

  1. Guys, this is very important,, PLS. VOTE FOR NIKKI-BILLY ON “Yahoo! OMG! Philippines” for your “Favourite real-life couple”. Just kindly google it. Voting is unlimited so you can vote for them as much as you want. People, every vote counts.. so, please, please! let’s vote for them numerously and make them win that title. They are truly deserving. Not just that they are too good to be true but, as you can see, this couple is a very good example for this generation and the article above says it all. Also, they can absolutely be an inspiration for those couples who has a long distance relationship,because Billy will be leaving for france this coming January 2012. This will be a big test to their relationship, and we all know that inspite the break-ups of other showbiz couples, they are the couple that are still remaining very strong and also having a peaceful relationship with the least intrigues.

  2. I remember NIKKI GIL as one of the hosts of EAT BULAGA and SOP. Sa mga programang ito siya nagsimulang magkaroon ng puwang sa telebisyon, matapos mapansin sa isang TV Commercial na walang patid sa pag-aabot ng bottled softdrinks. Nagkakamali nga kaya siyang sabihin na sa ABS siya nagsimula? NIkki, remember the saying? Ang hindi lumingon sa pinangalingan…marahil ay bulag na ngayon! Kawawa ka naman kung gayon!

  3. Alex Brosas, siguro kailangang pang iresearch ang credibility nang istorya nang singer na ito. Hindi pinapayagan dito sa Amerika ang manakit ang isang public official. Maski pulis, pag gumagamit nang excessive force so pag restrain sa mga criminal, puwedeng mailagay sa administrative leave. ito pa kayang immigration official na nanampal? Parang hindi kapanipaniwala. Sinampal tapos walang ginawa ang singer kundi tanggapin na lang at gawing experience ito? Her story is very doubtful. Hindi lang isa ang magi-interrogate. Laging may mga kasama ito. If the other immigration officer witnessed this, he/she can file a report to his/her superiors. A little more research, Alex Brosas, is needed.

    • tangek ka pala! magbasa ka nga, kups! ang sabi sa blind item, abroad! walang sinabing sa US. sa ‘yo pala ang ang ibig sabihin lang ng abroad ay US. ‘yan lang kasi ang alam mong puntahan, malandi ka!
      magbilang ka nga kung ilang bansa mayroon sa labas ng pilipinas na tinatawag na abroad! gagah!

      • Maski saan sa abroad, hindi pinapayagan ang physical violence. Stupid ka na nga, wala ka pang alam. . .bobo. . . .promdi. . .inutil . . .siyano. . .bahaw ang utak. . .Si Alex Brosas ka rin siguro. . .masyado ka kasing defensive. Parang ikaw ang tinamaan. . .he he he. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.