Nikki Gil, may pag-asa ang bagong manliligaw?

Nikki-GilNikki-GilINAMIN NI Nikki Gil Sa Kris TV na totoong nakipag-date siya sa isang non-showbiz guy. Sa deskripsyon ng aktres na naka-date, 29 years old ito, may isang maayos na trabaho at may mga common friends sila sa Ateneo.

Ayon kay Nikki, sinubukan din naman niyang makipag-date sa iba pero sa huli ay hininto rin niya ito. Ang gusto ng TV host/actress, ‘pag lumabas siya ay du’n na sa isang tao na pasok na sa gusto niya at sa takbo ng sinasabi ni Nikki ay mukhang may pag-asa ito sa kanya.

Ilan sa mga katangian na hinahanap sa susunod na magiging boyfriend ay isang lalaki na may malalim at matibay na relasyon sa Diyos at walang record ng panloloko. Hindi naman na-trauma sa kinauwian ng relasyon nila ni Billy Crawford, positibo si Nikki na ang pag-ibig ay isang bagay na hindi dapat masakit at hindi ka dapat nasasaktan.

 

SA THANKSGIVING for the press ni Vice Ganda ay kinumpirma ng komedyante na may tampuhan nga sa pagitan nila ng It’s Showtime co-host na si Karylle. Ikinuwento nang buong-buo ang mga pangyayari, nagkaroon na pala sila ng tampuhan ng TV host dati pa nang ‘di ito dumalo sa victory party ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Sa group chat ng lahat ng Showtime hosts ay iba’t ibang alibi ang ibinigay na rason ni Karylle kung bakit ‘di siya dumalo. Una na rito, ‘di siya imbitado, sinundan ng rason na wala siyang driver at ang huli ay ang pag-amin na tinatamad siya. Sumama ang loob dito ni Vice dahil bukod sa itinuturing na kaibigan si Karylle, kasama rin pala ito sa nasabing pelikula.

‘Di niya kinibo ang co-host pero pinilit niyang ayusin ito nang may mangyari kay Vhong Navarro at kailangan nilang magkaisa sa show. Nakita namin nang unti-unting naibalik ang lahat hanggang sa ‘di dumalo sa It’s Showtime isang araw si Karylle na ang dahilan ay may sakit siya. Nang araw na ‘yun, nakita ito ni Direk Bobet Vidanes, direktor ng show, sa isang lugar at tinanong kung bakit ito um-absent gayong wala naman palang sakit. Inamin ni Karylle na naiilang siya, sa sinabing ito ng TV host ay kinausap na siya ni Direk Bobet kung ano ang problema at dito ay kinuwento ni Karylle na galit na galit ang kanyang fiancé na si Yael Yuzon kay Vice. Punong-puno na raw ito at pag ‘di na nakapagpigil ay susugod na sa studio dahil sa dinami-rami ng puwedeng i-loveteam kay Karylle ay sa isa pang bakla.

Nakarating kay Vice ang pahayag na ito ni Karylle at nang kumprontahin ito tungkol dito, ipinagkaila ito at sinabing ‘di ito totoo. Nang makausap naman si Direk Bobet tungkol sa ginawang pagde-deny ni Karylle, pinandigan nito ang kuwento at nagsabing bakit siya gagawa ng kuwento at sisirain ang grupo? Humingi rin naman ng tawad si Karylle kay Vice at nagpadala pa ito ng bulaklak. Pero aminado ang komedyante na nasaktan talaga siya sa nangyari at ayaw niyang pilitin ang sarili na okay sila ni Karylle kahit na alam nilang may problema. May punto rin si Vice nang sabihin nito na higit sa kanilang dalawa ay mas nakatutulong kay Karylle ang pagtatambal nilang dalawa. Sa parte niya, ‘di niya kailangan ng ka-loveteam na babae dahil isa siyang bading bukod pa sa komedyante naman siya. Kung tutuusin, malaki naman talagang tulong para kay Karylle ang tambalan nila ni Vice dahil nagkaroon pa nga sila ng mga tagahanga dahil dito.

Nang tanungin kung dadalo ba siya sa kasal nila Yael at Karylle sa Marso, inamin ni Vice na wala pa siyang imbitasyon na natatanggap sa dalawa. Depende pa ito kung nawala na ba ang sama ng loob at pagkailang niya sa dalawa. Pero sa nakikita namin ay mukhang matatagalan na maayos at maibalik sa dati ang lahat.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

5 thoughts on “Nikki Gil, may pag-asa ang bagong manliligaw?

  1. esi karylle pala ang ng-inarte kya my point nman pla c baklang vice na mgtampo…tpos isa paung bf nyang bansot ngmamagaleng din kya pla naimbyerna ng todo c kabay

  2. nawats konga ung episode naun sa kris tv…ang sbipanga ng niki gil nato eh me edad nadaw ung guy e 29 yrs old lan naman pla…sbinga ni pooh my edad nabaun e 29 lng…akala ko nman mga 40 n above na…ezanga mukhang 35 na e 25 plang ata za…

Leave a Reply

Your email address will not be published.