Nikki Gil, masama pa rin ang loob kay Billy Crawford

KUMAKALAT NGAYON sa social media ang interbyu ng isang tumatayong lawyer sa isang kasambahay na nirereklamo ang amo nitong isang TV personality na hanggang ngayon ay wala pa ring resolusyon ang kanyang kaso dito nu’n pang 2001.

Sa naturang bidyo ay inilahad nito na me boyfriend na noon ang TV personality, pero meron pa rin daw itong isang lalaki na ayon sa kasambahay, “Pinabantay niya ‘ko sa ground floor ng condo building para bantayan ko raw kung darating na ‘yung boyfriend niya.

“Eh, sa paghihintay ko, nakatulog ako, hindi ko namamalayan, nakaakyat na pala ang boypren, ayun nakita nito ‘yung condo, meron nang pagkain sa kama at medyo magulo na. Ang akala ni ma’am (TV personality), sinumbong ko siya.

“Kaya ang ginawa niya, pinagbintangan niya ‘ko ng kung anu-ano, tapos, sinampal niya ‘ko ng tsinelas, tapos ‘yung boyfriend niya, binuhat ako at hinagis ako sa hallway.”

Kaya raw siya nagsasalita ngayon eh, dahil sinusuhulan naman siya ngayon ng dalawang milyong piso para manahimik na ‘ko. Pero me kundisyon po ‘yon. Magsasalita ako sa TV at hihingi ako ng tawad sa kanya at sasabihin kong hindi totoo ang mga ibinibintang ko sa kanila.

“Eh, hindi naman po ako nasanay na me malaking perang hawak. Sanay po ako pag konti lang ang pera ko. Hindi bale na. Sa kanila na lang ang dalawang milyon nila. Gusto ko lang, magkaroon ng hustisya ang ginawa niya sa akin.”

Hay, nako… honestly, kami’y nalulungkot para sa TV personality kung totoo man lahat ang ibinibintang sa kanya. Pero sana’y matapos na ito at maagad niyang tapusin bago pa ito magamit sa eleksiyon sa 2016.

MUKHANG HINDI maganda ang paghihiwalay nina Nikki Gil at Billy Crawford, dahil according to a source, kahit daw hindi nagsasalita itong si Nikki ay masama pa rin daw ang loob nito sa ginawa ni Billy.

Hindi naman dinetalye nito kumbakit “sumabog” si Nikki at nakipaghiwalay kay Billy.

Well, at this point na “nagpapahinga na ang isyung ‘yan” ay may naitulong naman diyan ang pananahimik ni Nikki at hindi niya pagpapainterbyu.

Actually, hinangaan namin ang lola n’yo kahit na gaano kami riyan ka-close, hindi pa rin niya sinabi sa amin ang tunay na dahilan.

Well, na-accept na ni Nikki ang lahat at nasa moving on period na siya ngayon. Isang lalaki rin siguro ang pupuwedeng maging dahilan para tuluyan nang malimutan ni Nikki kung anuman ang kasalanan ni Billy.

Pero baka pinili na rin ni Nikki na maging “single” muna uli at i-enjoy ang “pag-iisa” kapiling ang mga friend niya, lalo na ang family niya.

 

ANG GANDA ng Badil na isa sa mga kalahok sa Sineng Pambansa. Ito ‘yung indie movie na ang bida’y sina Jhong Hilario, Nikki Gil, Dick Israel at iba pa at dinirek ni Chito Roño na kinunan pa sa Samar.

Napakasimple ng paglalahad ng kuwento ng isang araw bago ganapin ang eleksiyon kung saan “binibili” ng mag-amang Jhong at Dick ang mga boto ng kanilang barangay para papanalunin ang mayor na sinusuportahan ng amang na-stroke.

Walang kaprete-pretensiyon ang pelikula. Kung ano talaga ang nangyayari sa isang baryo, ‘yun ang mapapanood mo at mararamdaman mo.

Tineks namin si Jhong kung ano ang “badil” dahil tinatanong din kami ng mga kaibigang kasama sa panonood.

“Ang badil ay dinamita,” sabi ni Jhong. Pero hindi raw ‘yung sumasabog, kungdi ang “bilihan ng boto”. Sana, ipalabas uli ito, dahil kokonti ang nakapanood. Ang gandang pelikula pa naman.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

6 thoughts on “Nikki Gil, masama pa rin ang loob kay Billy Crawford

  1. Itinago kasi ni Billy ang kabadingan niya kay Nikki.  So sinong girlalu ba naman ang hindi magagalit kung ang jowa mo pala ay bakla at ginagamit ka lang upang maitago ang kanyang lansa.

  2. NIKKI’S REACTION IS UNDERSTANDABLE KNOWING HOW SHE REALLY LOVED BILLY AND TREASURED THE RELATIONSHIP. BUT SHE HANDLED THE SITUATION WITH DIGNITY, NOT SURPRISING BECAUSE SHE IS EDUCATED AND INTELLIGENT LADY.

  3. DA WHO? SENSYA NA KAYO MGA KAPARAZZI, BOPOL TALAGA AKO SA B.I. MAHIRAP TALAGA ANG MALAYO SA SARILING BANSA, LAGING HULI SA B.I. LOL!

    • Ako rin, clueless maski may clues. TV personality raw, so, hindi actress, hindi singer. Sino ang may alam ng kasambahay na idinedemanda ang amo, lately ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.