Nikki Gil, lumipat na rin!

USUNG-USO NGA ANG “lipatan blues” among artists ngayon sa TV.  Ang Kapamilya ay nagiging Kapuso, meron ding vice versa. Meron ding from both camps ay nagiging Kapatid na ngayon under TV5.

Well, heto at lumipat na rin ng “bakuran” ang Kapamilya singer-host na si Nikki Gil.

Pero, mananatiling Kapamilya si Nikki. Hindi siya nag-ober da bakod sa GMA, dahil sa ABS-CBN pa rin siya may existing shows and contracts. Nagpalit lang siya ng business manager.

Kung dati ay sa Star Magic siya ng Kapamilya network, ngayo’y siya ang latest na artist na karagdagan sa ALV Talent Circuit ng talent manager na si Arnold Vegafria.

Malamang expired na ang contract ni Nikki with the talent management arm ng Dos, and nais nitong mag-try naman ng new management, and just last Friday ay nag-sign ito ng kontrata sa ALV, at masaya si Nikki na si Arnold na ang hahawak sa kanyang career.

Take note na si Arnold din ang manager ni Billy Crawford na siyang loving boyfriend ni Nikki, na hataw ang career sa ABS-CBN.

Pero ayon kay Arnold nang makausap namin, walang influence si Billy sa desisyon ng girlfriend na si Nikki, dahil hindi naman daw ito nakikialam sa career ng jowa.

Picture of a happy couple itong sina Billy and Nikki, and sa ilang pagkakataong nai-interview namin separately ang dalawa, mararamdaman mo naman ang happiness deep within the two.  Alam mong tunay ang pag-ibig na nararamdaman nila sa isa’t isa.

Ngayong magkasama na sila sa iisang management company, the more na mas relaxed at happy na ang disposition ng magsing-irog na for us ay bagay na bagay.

Nikki can still be seen in ASAP XV among other Kapamilya shows, hindi lang namin natanong kay Arnold kung hanggang kailan ang existing contracts ni Nikki sa Dos.

Bata pa at talented si Nikki and Arnold thinks he can still explore more on Nikki’s talents in singing, hosting, and acting.

ISA PANG BAGO sa grupo ng artists handled by Arnold Vegafria’s ALV Talent Circuit ay si Baron Geisler.

Yep, nang mag-expire na rin ang Star Magic contract ni Baron (kung saan siya literally nag-grow at aniya’y malaki ang utang na loob niya kay Mr. Johnny Manahan), naging “freelancer” na si Baron.

At this time, marami rin naman ang tumulong kay Baron, sa paniniwala ng mga ito na mahusay itong aktor, at isa kami sa naniniwala roon. Pero alam na nga natin ang mga naging isyu kay Baron, kaya medyo tumamlay ang karera nito recently.

Hanggang sa ang dakilang ina na ni Baron ang lumapit sa office ni Arnold upang i-consider itong i-manage ang anak.

After some talks with the mom, and eventually Baron, nagkaisa at nagkasundo na sila to work together.

Under Arnold’s management, nagkasundo silang mag-a-undergo ang magaling na aktor sa health and wellness program.  Ito ay upang i-detoxify siya sa kanyang mga naging bisyo, at ito naman daw ang gustong mangyari ni Baron.

Ayon kay Arnold, naniniwala ito sa kakahayan ni Baron bilang isang mahusay na artista at nakapanghihinayang kung hindi aayusin ang sinasabi ng iba na “attitude”.

Kilala namin si Baron personally mula pa noon, at tila kailangan lang talaga nito ng enough guidance at matutukan ng mga tunay na magmamahal at uunawa sa kanya.

We pray na with Arnold, maging “swak” ang kanilang tandem. Dahil sa totoo lang, kung akting rin lang ang labanan, sa kanyang henerasyon, isa si Baron Geisler sa namumukod-tangi, ‘noh!

Nagka-best actor awards na si Baron with Jay, kung saan kasama niya si Coco Martin, and isa na ito sa pinakamalakas na DVD sa video stores, at umiikot pa rin sa international filmfests abroad.

Kasama na rin nina Nikki and Baron sa talents ni Arnold Vegafria sina Billy Crawford, John Prats, Carla Abellana, Jay-R, Iya Villania, Krista Ranillo, Kris Lawrence, Denise Laurel, Jon Santos, among others.

For your feedback, please e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “Nikki Gil, lumipat na rin!

  1. Agree ako sa cnabi mo mell na magaling na aktor si baron geisler kaya lang ung pagiging lasenggo niya ang nakasama sa kanya dahil lumalabas ang pagka bastos niya lalo na sa mga babae pag siya’y nalalasing. Dapat lang siyang ipasok sa rehab. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.