Nikki Gil, bagong leading lady ni Richard Gutierrez

Sa pansamantala naming pag-upo sa numero unong Showbiz Mismo teleradyo program ni kafatid Jobert Sucaldito ng ilang araw ay kinuyog talaga kami ng mga mensahe sa text hinggil sa isyu ng pagbabanta ni Rosanna Roces kina Jolo Revilla.

Kaugnay nga ito sa pagpapasauli ni Osang sa apong si Budoy na diumano’y matagal na nilang hindi nakakapiling. Nag-aaral na kasi ang bata at sa mga Revilla na nga ito nakatira at talaga namang inaalagaan. Simula kasi ng magkasakit ang bata ay doon na ito pumirmi at in fairness naman, ayon sa aming mga sources, ay todo-todo disiplina ang ibinibigay dito lalo na pagdating sa kalusugan.

Sari-sari ang mga reaksyon na ipinahatid sa amin hanggang sa mayroong isang common friend sina Osang at mga Revilla na nagsabing magsisimula na naman diumano ang gulo.

Sa Facebook account nga ni Osang ay naglitanya na naman ito ng pakikipag-away habang ang pamilya Revilla naman ay tahimik pa sa isyu.

Pilit naming inuunawa ang magkabilang panig lalo pa’t ang kabutihan at kapakanan din ni Budoy ang nais naming matingnang mabuti rito.

Just wondering kung ano nga ba ang sinasabing naging usapan nina Grace (anak ni Osang na ina ni Budoy) at Jolo tungkol dito? Mayroon nga kaya?

Meanwhile, sa Facebook account din kinumpirma ni katotong Jun Lalin na si Nikki Gil na nga ang next leading lady ni Richard Gutierrez.

Diumano,  lilipat na ang dalaga sa GMA- 7 at du’n na nga nagbabalak na magkaroon ng mas magandang karir.

Agad naming tinawagan ang ilan sa mga sources na may kinalaman sa karir ni Nikki at kahit hindi sila nagulat sa isyu ay hindi naman nila ito dinenay.Basta ang tsika ng isa sa kanila ay matagal na raw itong pinag-uusapan.

Kung ano ang extent ng paglipat-bakod o pagkakaroon ng mga proyekto ni Nikki ay aabangan natin soon!

Hindi lang nami naitanong kung alam na ba ito ni Billy Crawford na isa sa mga sinasabing may kinalaman  diumano sa balitang lipatan. May ganu’n?

Bukod tanging ang Eva Fonda ni Cristine Reyes ang napasali sa Seoul International Drama Awards.

Nominated din ang sexy actress bilang Best Actress kaya’t dobleng excitement si Cristine sa balita. Kahit hindi pa raw alam kung ano na ang status ng kontrata ni Cristine, masaya ito sa nangyayari sa kanyang buhay.

Kahit patuloy pa rin ang pag-ikot ng mga tsikang nakikita diumano itong nakikipag-bonding kay John Lloyd Cruz at sa isang band member, wala ngang makapagpatunay kung ano ang totoong sitwasyon ng buhay-romansa nito sa ngayon. Kahit ‘yung balitang paghihiwalay daw nila (finally?) ni Dennis Trillo ay walang makapag-patotoo.

Ibang klaseng Eva nga si Cristine kung ganu’n!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

4 thoughts on “Nikki Gil, bagong leading lady ni Richard Gutierrez

  1. Christine, I hope Eva Fonda wins. You’re a very good actress. Maski sabi nila pasaway ka, OK lang sa amin. Galing mo kasi .

Leave a Reply

Your email address will not be published.