Nikki Gil, kinikilatis pa rin ang bagong suitor

Nikki-GilNAKA-MOVE-ON NA nga si Nikki Gil sa past relationship niya with Billy Crowford. Kakaiba ngayon ang aura ng dalaga, tipong happy sa bago niyang manliligaw na former Atenean. Ang balita namin ay kaibigan ni Paolo Valenciano ang good-looking guy na ang pangalan ay BJ Albert.

Kapag nababanggit kay Nikki ang pangalan ni BJ, ayaw mag-comment ng singer/actress tungkol sa bago niyang suitor. It’s too early nga naman para pag-usapan ito. Hindi pa nga tayo siguradong he’s the one. Bago pa lang niya nakikilala ang binata. Nasa period of getting to know each other pa lang siguro ang drama nila ng guy.

Maging si Nikki, kinikilala muna niyang mabuti itong si BJ bago uli siya pumasok sa isang serious relationship. Right now, ini-enjoy muna nila ang friendship they have if ever ma-develop into something beautiful ang kanilang relationship. Hindi kailangang magmadali as long they connect each other.

Knowing Nikki, hindi ganoon kadali para muling ma-in love at magtiwala agad-agad sa lalaki. Let’s hope for the best, sana this time, matagpuan na niya ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Well, kahit sino naman guy ay mai-in love kay Nikki, with her beauty and brain plus the talent, what more can a guy will ask for?

 

HAPPY KAMI sa success ng concert ng Charity Diva Token Lizaro last March 22. Ang kinita nito P304 K ay personal na ibinigay niya sa Holy Family Home sa Bacolod na beneficiary ng kanyang “My Token of Love” show.

This coming April 14, magkakaroon ng Lenten show si Madam Token sa Bacolod City. Ang kikitain naman nito ay ido-donate niya sa pagpapa-repair ng kanilang simbahan sa Bacolod. Mismong sa simbahan gaganapin ang kanyang solo concert with a pianist. Puro religious songs ang kakantahin ng icon diva.

Hindi kaya ang pagiging charity diva ni Madam Token ang maging daan para pasukin na niya ang pulitika? Mabilis agad ang kanyang sagot: “Never kong inisip na maging public servant, magulo ang pulitika, mas maintriga pa sa showbiz. Baka ang mangyari, maapektuhan pa ang aking mga charity works. Ang sarap ng feeling na nakatutulong ka sa kapwa mo at sa mga taong nangangailangan. Ever since naman, ginagawa ko na itong charity works, panata ko na ito. Hanggang malakas ako at kaya ko pa, patuloy kong gagawin itong nasimulan ko na,” say ng Charity Diva.

Kahit maganda ang hangarin ni Madam Token sa pagtulong sa ating mamamayan, bibigyang-kulay raw ito kapag pumasok siya sa pulitika. Gusto niyang mag-focus sa kanyang charity works. Ito raw ang nagbibigay sa kanya ng lakas kaya patuloy niya itong gagawin habang nabubuhay siya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Nikki Gil, kinikilatis pa rin ang bagong suitor

  1. Aba’y dapat lang. Sa dami ba naman ng manloloko, manggamit sa ngayon. At saka sa dami ng mga lalaking nagpapanggap at straight kuno pero pumapatol sa kapwa lalaki. That’s good Nikki! Please be careful of your Heart.

Leave a Reply

Your email address will not be published.