Nikki Gil, kasuklam-suklam!

BLIND ITEM: Nakalaya na pala ang mestisong aktor nang hindi natin namamalayan at nababalitaan. Kung tutuusin, ang gandang balita pa naman no’n for him, ba’t hindi nabalitaan?

Samantalang nu’ng kasagsagan ng isyu na halos palabasing rapist siya ng isang babaeng iyak nang iyak, tapos ngayon na dapat ay balanse ang mga balita, deadma na?

Kasi, isang friend ang nakakita sa kanya sa Bliss (isang bar sa Morato) nu’ng Saturday night at gumigimik.

Saglit na nakausap ng aming source ang mestisong aktor at ito na rin ang nagsabi na, “Ibinasura ng korte ang kasong Rape, dahil walang sapat na ebidensiya.

“Feeling ko nga, sinet-up lang ako ng mga kalaban ko sa pulitika. Pero buti na lang, na-dismiss ‘yung kaso.”

Mag-iingat na rin ang mestisong aktor, lalo na sa mga pakikipag-meeting niya sa mga girls, dahil baka “maisahan’ na naman siya.

‘Wag na rin siyang magpi-PDR. As in public display of relationship. Chos.

Ipilit ba talaga?

 

PANIBAGONG HAMON para sa amin ang bagong show na ipapalit sa Entertainment Live simula sa Sabado.

Malungkot na masaya kami nu’ng Sabado. Malungkot, dahil huling pagkikita-kita naming apat nina Bianca Gonzalez, Nikki Gil at Luis Manzano ‘yon.

Sobrang mami-miss namin sila.

Masaya, dahil hindi naman kami nakalimutan ng ABS-CBN na ilagay kami sa kapalit na show nito, ang Showbiz Inside Report, kung saan mga kaibigan din naman namin ang aming makakasama, sina Joey Marquez, Janice de Belen, Carmina Villaroel.

Sa dressing room namin last Saturday, panay na ang tukso nina Luis at Nikki na kami raw ang last man standing. Pero hindi naman para seryosohin namin ‘yon dahil noon pa naman kami nag-aasaran ng mga ‘yan.

Basta we’re so happy for Luis, dahil there’s still life after Entertainment Live. Nandiyan ang hosting job niya for Kapamilya Deal Or No Deal, host din siya sa show ni Sarah Geronimo (na siyang papalit sa Gandang Gabi, Vice!) sa Sarah G Live! this February.

At meron pa siyang Lucky Manzano & Friends (tawag niya sa ASAP 2012), kaya happy pa rin si Luis. ‘Yun nga lang, mami-miss namin ang flawless na puwet ni Luis, dahil ipinapakita niya sa amin ‘yon sa dressing room.

“Nandiyan naman si Tsong Joey (Marquez), eh. Baka ipakita rin niya sa ‘yo ang pwet niya!” Hahahaha! Sira talaga ‘tong si Luis.

Si Bianca naman, bukod sa PBB ay araw-araw na rin siyang makakasama sa ni-reformat na namang Umagang Kay Ganda,  (hindi naman siguro totoo ang tsikang tinanggal si Donita Rose para ke Bianca).

Si Nikki naman ay bonggang-bonggang kontrabida sa Mundo Man Ay Magunaw at meron din siyang ASAP 2012, kaya kung tutuusin, E Live lang ang nawala.

The friendship of the hosts will still remain, ‘yun ang importante sa amin.

So, laging totoo ang kasabihang ‘pag may nawawala o umaalis, may dumarating at may bumabalik.

Salamat sa ABS-CBN sa tiwala.

As always!

 

PICTORIAL, PROFILE shoot at konting patikim para sa Showbiz Inside Report, no dull moment na agad sa bonding nina Joey, Janice, Carmina and yours truly.

Halatang na-miss ang isa’t isa, lalo pa’t meron kaming common denominator. Lahat ay alaga ng namayapang si Tito Douglas Quijano. At lahat ay pare-pareho nang nanay at tatay.

‘Yun din ang biro namin kina Nikki, Luis at Bianca. Na ang “SIR” ay puro nanay at tatay ang hosts samantalang sila’y mga nag-e-enjoy pa sa kanilang kabataan.

Nate-tense na nga kami, dahil tagisan ng opinyon, ng pananaw sa buhay ang “SIR” at ‘yung dry-run pa lang namin ay ang husay-husay na ng aming mga kasama.

Lalo na si Joey Marquez na siyang pinakapanganay sa lahat na napakarami na ring encounters at experiences in life, ang dami niyang maise-share, kaya excited na rin kami.

Kailangan sa show na ito, pati mga hosts ay magre-research talaga para hindi maging syunga on air. Hahahaha!

 

GUSTO NAMING papurihan itong si Nikki Gil, dahil trailer pa lang ng Mundo Man Ay Magunaw, namuo agad ang pagkasuklam namin sa karakter niya.

At isa lang ang ibig sabihin niyan: very effective ang portrayal ng aming

kumare, in fairness. Lalo na nu’ng parang tinuktukan niya sa noo si Empress Schuck bilang initiation sa sorority na aaniban ng bida.

“Hindi ko na ipinagpaalam sa kanilang lahat ang gagawin ko, kasi, baka mag-prepare sila, mahihilaw ang eksena. Binigla ko silang lahat na naka-blindfold para ‘yung normal reaction ang makita talaga sa kanila!”

Nako, panoorin n’yo ang Kumareng Nikki namin dito at malolokah kayo sa kanya.

Promise.

Me promise talaga, ‘di ba?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Nikki Gil, kasuklam-suklam!

  1. BAGAY NAMAN SI NIKKI AT BILLY DI BA? YUNG BABAE BILUGAN ANG HITA PERO LAGLAG ANG PUWET YUNG LALAKE NAMAN EH BILUGAN ANG TYAN SA TABA…………..BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. Nikki gil wag k nang mgka2maling xumayaw xa asap kci ang pang3t ng xayaw m noh!mahiya ka ky maja.at pang3t ng pwet m. Wag ka nang mgsayaw na nkapanty! Yuck!!!

  3. Si Luis ang laging kinukuhang maging host because it goes to show na malaki ang pagtitiwala sa kanya ng ABS management. He is one of the most brilliant host in his generation kaya mabili siya sa management. He is blessed, one after the other ang mga projects niya because he is truly a great host.

  4. bakit binibigyan ng napakaraming show si manzano? andaming artista ng abs tapos co host pa sya ni sarah? kasuklam suklam na nga na maging host sya ng deal or no deal tapos co host pa ni sarah? grabe! hahahahaha! bagay naman ni nikki ang kontra bida, kita sa mukha nya ang pagiging maldita so goodluck sa kanya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.