Nikki Gil, ‘di pa rin masikmura si Billy Crawford

Nikki-GilKUMAPAL DAW ang mukha ni Nikki Gil nang tanggpin niya ang Best Actress in a Single Performance sa nakaraang 27th PMPC Star Awards for TV.

Tinalo niya raw kasi ang mga magagaling na actress sa nasabing category na sina Ai-Ai delas Alas, Iza Calzado, Boots Anson-Roa, Krystal Reyes at Miss Nora Aunor.

“Ang kapal ng mukha ko, ‘di ba?” say ni Nikki nang tanggapin ang trophy. “Salamat po. ‘Yun lang pong mapasama sa mga kinikilalang mga kasamahan ko na nominado, ‘yun po ‘yung mga iniidolo ko lamang po, mga idol ko po silang lahat kaya it’s an honor na mapasama ako sa kanila.”

May nagtanong kung magiging mapili na ba siya sa roles ngayong may award na siya?

“Basta po naniniwala ako sa kuwento, sa character at nakikita ko naman na kaya kong trabahuhin at aralin ay tatanggapin ko,” aniya.

Sa pagkapanalo niya ay mukhang nabawi kahit kaunti ang nasugatan niyang puso nang maghiwalay sila ng boyfriend na si Billy Crawford? “Oo nga, sabi ni Lord, ang sakit, ito ang reward. Thank you!”

That day rin sa Star Awards ay nanalo rin si Billy bilang Best Male TV host para sa It’s Showtime. Kaagad na sinabi ni Nikki, “Congratulations to him.”

Sa nangyaring break-up nila ni Billy, naniniwala tuloy si Nikki na kapag malas daw sa pag-ibig ay suwerte sa career.

“Pero mas naniniwala ako sa kasabihang hardwork, pays-off and if you are faithful with the little things, God will bless you with the bigger things.”

Right now, sariwa pa rin raw kay Nikki ang sugat sa puso kaya ayaw raw muna niyang mag-entertain ng manliligaw kahit na marami ang nagbabalak. Ask kung bibigyan siya ng project ng ABS CBN na magkasama sila ni Billy? Naging totoo lang si Nikki na sabihin na ayaw niya at hindi pa raw siya handa na makasama ang dating boyfriend.

“Hindi po kasi ako ganoon klaseng tao. I’m very real and I want to be honest. Puwede naman pong huwag muna, puwede namang hindi! Right now, masaya na ako. I’m very busy and thankful sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Nakapag-back to normal na po,” pahayag ni Nikki.

Billy-Crawford-Nikki-GilDahil maliit lang ang showbi, ‘di maiiwasang magkita at magkaharap sila ng ex-boyfriend lalo’t pareho silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Okey lang daw kay Nikki magkita at mag-hello sa kanya si Billy, pero ‘di pa raw siya handang makipag-usap sa ex-boyfriend.

“Okey lang po ‘yung kung magkita, ‘di magkita. Hindi na kailangang mag-iwasan. Maraming lessons ang natutunan ko sa break-up namin ni Billy. Marami na rin ako na-share sa mga ano… siguro pinagdadaanan din itong ganitong bagay kaya okey na po siguro ‘yun. Huwag na po nating ungkatin,” nakangiting say pa ni Nikki.

 

LUMILIKHA NG ingay ang representative natin sa Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago dahil isa siya sa mga napiling “Hot Picks” ng isang website na nag-i-specialize sa mga beauty contest.

Dahil sa top favorite ang 22 years old na si Bea na tubong Masbate, baka masundan din niya ang tagumpay na nauwi nina Mutya Johanna Datul as Miss Supranational, Megan Young as Miss World at third runner-up na sa Miss Universe na si Ariella Arida.

“She is gaining momentum once again after her country’s successful run at the Miss Universe 2013 pageant this month. Her countrymen will definitely support and root for this amazing stunner in the coming weeks leading to the start of the present activities,” ayon pa sa website.

Lumaki si Bea Rose sa kanyang mga lola’t lolo pero nang tumuntong siya sa edad na kinse anyos ay nag-migrate sila sa Canada. Bago siya sumali sa Bb. Pilipinas, naging professional model si Bea Rose at siya ang kaisa-isang Pinay model na kinontrata ng Elite Model Management na siyang naka-discover din kina Cindy Crawford, Stephanie Seymour, Giselle Bundchen at Adriana Lima.

Unang title na napanalunan ni Bea Rose ay bilang Mutya ng Pilipinas Overseas Communities noong 2011 at naging representative siya ng bansa sa Miss Tourism Queen of the Year International 2012 at nakasama siya sa Top 10 semifinalist.

Gaganapin ang Miss International sa Dec. 17 sa Shinagawa Prince Hotel Hall in Tokyo Japan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

5 thoughts on “Nikki Gil, ‘di pa rin masikmura si Billy Crawford

  1. sa tingin ko hindi pa rin maka move on si nikki gil… kasi naman ang arte arte ng gagah, ayaw pang patikim kay billy. hahahahaha!

  2. Nikki, tigilan mo na ng mag comment tungkol ke Billy kasi parang lumalabas na di ka pa naka move on & nagpapahabol ka pa. Ipakita mo na naka move on ka by saying no comment para talagang tinapon mo na siya sa buhay mo. Pag nag ko comment ka binibigyan mo tuloy ng publicity si Billy, baka tumanyag pa iyan. Move on girl and go to the next topic di si Billy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.