Nikki Gil, 3 beses nang nabuntis!

AGAD NA pinabulaanan sa amin ni Nikki Gil ang lumabas na balitang buntis daw siya sa boyfriend na si Billy Crawford.

Una nang klinaro ni Billy na walang katotohahan, ayon kay Nikki, pangatlong beses na siyang nabalitang buntis at ngayong nagpapayat siya nang husto at kina-career talaga ang pagdyi-gym at ang laki ng pinayat ng aktres, ganito pa rin ang isyu sa kaniya.

Para kay Nikki ang pagbubutnis ay isang bagay na hindi puwedeng itago habang-panahon dahil lalaki at lalaki ang tiyan ng sinumang babae na nagdadalang-tao. Kung buntis nga naman ay hindi na sana natin napagkikita ang aktres sa production numbers sa ASAP.

 

SA PRESSCON ng Switch, first major back-to-back concert ng bandang Callalily at 6 Cycle Mind sa darating na June 7, 8pm sa Music Museum, nalaman namin na ang 6 Cycle Mind pala ang nagsilbing mentor sa grupong Callalily nu‘ng nagsisimula pa lang sila.

Ang nakakatuwa, sa kabila ng dalawa sila sa pinakakilalang grupo sa kasalukuyan, napanatili nila ang pagiging tunay na magkakaibigan.

Nagsimula ang lahat dahil sa positibong pagtanggap ng tao sa tuwing nagba-back-to-back show sila sa ‘70s Bistro, nangako ang dalawang banda na marami silang bagong ipakikita sa kanilang first major concert na ‘di pa nakikita sa anumang shows na nagawa nila.

Sa nasabing presscon, inamin ni Kean Cipriano na ang showbiz crush niya pala ngayon ay si Kim Chiu na nakasama niya kamakailan lang sa isang shoot, at dito ay nakilala niya ang kasimplehan at pagiging down to Earth ng aktres.

Sa parte naman ni Tutti Caringal, vocalist ng 6 Cycle Mind, ‘di nito itinago ang paghanga kay Kathryn Bernardo nang mapanood niya ito sa Sisterakas. Ang Pilipinang ganda ni Kathryn ang nagustuhan ni Tutti sa young actress, kung saan nagsabi pa nga ang vocalist na sana ay hingan siya ng fansign ‘pag nakita ng isa man sa amin si Kathryn.

Tinanong namin kung handa ba siya na baka ma-bash siya ng Kathniel fans dahil sa pag-amin niya na crush niya ang batang aktres, para kay Tutti ay wala namang dahilan para magalit sa kanya ang mga tagahanga ng dalawa dahil nagpahayag lang naman siya ng paghanga kay Kathryn.

Sa tanong namin kung ‘di ba naisip nina Kean at Tutti na mag-solo sila bilang singer na siyang kadalasang nangyayari sa isang banda, nagbigay-kasiguraduhan naman ang dalawang bokalista na kahit na ano ang mangyari ay ‘di nila iiwan ang kanilang mga grupo dahil sa lalim na rin ng kanilang mga pinagsamahan.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

7 thoughts on “Nikki Gil, 3 beses nang nabuntis!

  1. Baka nabuntis sa lalamunan. Alam niyo Naman virgin pa raw si vajayjay kaya malamang di payat si Billy kaya sa lalamunan na Lang nagparaos!

  2. DYUSKO NAMAN, IBIG SABIHIN LUMAGOK NA SI SYOKTONG SI NIKKI PARA MALAGLAG ANG PINAGBUBUNTIS? HAHAHAHAHA!

  3. PARANG IISA ANG TYPE NI KEAN CIPRIANO HA. DANITA PANER, ALEX GONZAGA, NGAYON NAMAN EH KIM CHIU. MGA PETITE AT CHINITA. DEVAH?

  4. Pls lang Nikki wag na wag kang pabubuntis o magpaanak kay BC kung ayaw mong magkaroon ng anak na kamukha na ni Popeye mukang pang tinipus.

Leave a Reply

Your email address will not be published.