Nikki Co, dapat tularan ng co-artists kung paano pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Nikki Co, dapat tularan ng co-artists kung paano pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartistaIsa sa masuwerte among pumasok sa Final 18 ng Starstruck Batch 6 ang guwapong Chinito hunk na si Nikki Co, dahil kahit hindi pumasok sa Final 14 ay sunud-sunod ang proyektong ginagawa nito.
At kung mabibigyan nga raw siya ng pagkakataong makapili ng makasasama sa isang teleserye, ang kanyang idolo at kapwa kapusong si Jennylyn Mercado ang gusto niyang makasama.
“Jennylyn acts really well kahit kanino siya ipartner, exceptional pa rin ang acting niya and maganda and hot pa rin siya. Hehehhe!” aniya.
Habang sa lalaki naman ay idolo niya ang award-winning actor na si Jericho Rosales. “Paboritp ko si Jericho, because everytime he acts, convincing talaga na parang totoo ‘yung acting niya. I am affected whenever he’s acting, ang galing talaga niya.”
At kahit pinasok na ng 19-year old Chinito ang pag-aartista, hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral. “Right now po, I’m currently studying at DLSU-Taft taking up BS Computer Science in Network Engineering.
“Hangga’t kaya kong pagsabayin ang pag-aaral, pagmo-model, at pag-aartista ay hindi po ako hihinto sa pag aaral,” sabi ni Nikki.
Ilan nga sa mga naging guestings ni Nikki sa Kapuso Network shows ang sa “That’s My Amboy”, MARS, and Taste Buddies.
Umaasa nga ito na mas mabibigyan pa ng maraming proyekto ng GMA 7, dahil nae-enjoy na raw nito ang pag-arte sa harap ng camera.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleDiego Loyzaga, kailangan ng ‘damage control’ sa isyu ng bugbugan
Next articleKim Rodriguez at Kiko Estrada, hindi raw totoong hiwalay na

No posts to display