Nigerian National, Kalaboso sa Shabu

NAHAHARAP SA kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ang isang Nigerian national matapos na mahulihan ng pinaniwalaang Shabu sa Ninoy Aquino International Airport na nanggaling ng Bangkok, Thailand noong Abril 19, 2013.

Sinabi ni deputy Bureau of Customs (BoC) Commissioner Peter Manzano na partikular na kasong isinampa ng ahensiya laban kay Sunday Michael P. Owoborode ay ang paglabag sa Section 3601 at Section 2530 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines at paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon pa rin kay Manzano, si Owoborode ay una nang nahulihan ng mahigit sa tatlong kilong methampethamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na Shabu matapos isinailalim sa testing ng PDEA at ng Customs operatives na nagkahalaga ng nasa P24 milyon.

Sinasabing nakuha mula sa pag-iingat ng Nigerian national ang Shabu sa kanyang bagahe na may tatlong plastic na selyado ng carbon paper.

Samantala, ang nabanggit na Nigerian national ay nasa kustodiya pa rin ng PDEA na nahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo batay na rin sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.