Nigerian, Nahulihan ng Shabu sa NAIA

ISANG NIGERIAN ang nahulihan ng Shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)Terminal 1 sa Pasay City.

Sinabi ni Bureau of Customs (BOC) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group na nasamsam mula kay Sandy Michael Owogodore ang tinatayang nasa 3.1 kilo ng shabu.

Lumapag sa NAIA Terminal 1 ang suspek sakay ng Thai Airways flight number TG-624 mula sa Cairo, Egypt.

Samantala, nabatid na may reservation din ang suspek sa isa sa mga hotel sa Makati.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.