Nigerian, Inireklamo ng Pangmomolestiya ng Menor

KALABOSO ANG isang mestisong Nigerian makaraang ireklamo ito ng panggagahasa at pananakit ng isang menor de edad na batang babae sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ng Women’s and Children Concerned Protection Desk (WCCPD) ng Caloocan City PNP ang suspek na nakilalang si Anthony Bryan Grigler, 40, ng # 6 Seattle St., Cubao, Quezon City.

Samantala, itinago ang biktima sa pangalang “Jessica”, 14, ng Camarin, Caloocan City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng nasabing tanggapan ng pulisya, bandang alas-6:00 ng gabi nang maganap ang panghahalay sa damuhan na hindi kalayuan sa bahay ng biktima.

Nabatid na bago umano maganap ang nasabing insidente, ang suspek ay nakitang nakikipag-inuman sa bahay ng isang kapit-bahay ni Jessica.

Nang makaramdam ang suspek sa tawag ng kalikasan ay dali-dali itong tumayo at nagtungo sa damuhan sa nasabing lugar para doon manubig.

Habang nanunubig ang suspek ay hindi sinasadya ng biktima na madaanan nito ang suspek dahilan upang ang bata ay mag-alangan na magpatuloy sa paglalakad.

Nang makita ng suspek ang biktima ay agad nitong kinorner at saka pinagsasampal, pinagsusuntok, pinagsisipa at sinabunutan pa at pagkatapos ay isinagawa na ang panghahalay kay Jessica sa damuhan.

Matapos na maisagawa ng suspek ang kanyang makamundong pagnanasa sa biktima, basta na lamang nitong iniwan ang bata na parang walang anumang nangyari.

Kaagad namang umuwi ang biktima sa kanilang bahay at isinumbong ang ginawa sa kanya ng buhong na suspek na agad namang ipinagsama ng magulang ang kanyang anak sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek.

Nagsagawa agad ang Caloocan PNP ng follow-up operation sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto rito kung saan ito ngayon ay nakadetine at nahaharap sa kasong paglabag sa kasong Rape with Serious Physical Injuries.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.