NGO: Eviction Cases, Pinakamarami sa Termino ni P-Noy

DINAIG PA ng liderato ni Pangulong Beningo ‘Noynoy’ Aquino III ang mga nakaraang administrasyon pagda-ting sa mga kaso ng eviction o pagpapalayas sa maralitang taga-lungsod.

Sinabi ng non-government organization (NGO) na Urban Poor Associates (UPA) na sa halos tatlong taong pamumuno ni Pangulong Aquino ay nakapagtala na ng 147 kaso ng eviction at demolisyon, habang 96 lamang ang naitala noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos at 55 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Gayunman, sinabi ng NGO na sa termino ni Gng. Arroyo ang pinakamarami ang bilang ng mga napalayas na residente na uma-bot sa 90,000 pamilya dahil sa north at south rail projects.

Dagdag ng grupo, 80% ng eviction cases noong 2012 ay ilegal.

Samantala, nauso rin anila ang “No Return Policy” sa panahon ni Pangulong Aquino kung saan hindi na pinababalik kahit ang mga nasunugan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.