Ngayong sa Amerika ulit: Krista Ranillo, handa na sa panibagong intriga kay Pacquiao! – Chit Ramos

MASAYANG-MASAYA SI TRIXIE nang dumating ang Kaka niya (Krista Ranillo) sa Los Angeles, California noong Linggo. Alam na marahil ng Bullchit readers na si Trixie ang bunsong kapatid niya na inihahanda na for surgery anytime now.

Ito ang masayang ibinalita sa atin nina Gloria Sevilla at Suzette Ranillo kahapon (Martes) na narito na sa bansa pagkatapos ng dalawang linggong pananatili sa San Francisco noong Pasko at Bagong Taon.

Ganito na talaga ang set-up ng pamilya Ranillo, may apat na taon na ang nakararaan. Mga panahong hindi pa nauugnay ang pangalan ni Krista sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

“Talagang may yearly reunion ang pamilya namin sa Frisco, where my kids live. May kaunti kasi kaming negosyo rito sa ‘Pinas involving TV shows na dinadala namin sa States. May work din ako rito na hindi showbiz, despite my being a senior citizen. Alam mo na naman ako, workaholic noon pa man. At malakas pa. I hate to be staying at home lagi,” kuwento niya nang makausap natin sa tinitirhan niya (since 5 years ago rin) sa Goldland condo. Ini-emphasize niya ang tagal ng panahong paninirahan niya roon para hindi sabihing courtesy of Manny rin ang lugar. “I can afford to stay there, kasi nga, may work ako. At napapanood pa rin ninyo ako sa May Bukas Pa, with Santino ‘di ba? Meaning active pa ako at gusto pang humarap sa camera. Maganda nga itong nangyayari (intriga). In a way, nagkakaroon ako ng pagkakataon na mag-active uli sa showbiz. Dahil sa MBP, heto may mga kumo-contact tuloy sa akin na gustong i-revive ang Visayan movies. May meeting nga ako sa Thursday (bukas) with some veterans sa Cebu. Gusto ko na ring maghanap ng isang magaling na scriptwriter para gawan ng proposal ng pag-revive ng Visayan movies. Pero, depende iyon sa mga kausap ko. Basta ako, willing. It’s my dream. Sana matuloy,” aniya.

As far as her apo Krista is concerned, maluwag na raw ang kanyang dibdib dahil okey-okey na ito ngayon. “Medyo nalalampasan na namin ang intriga. Sakali mang magkaroon uli dahil sa pag-alis ni Krista for Los Angeles, medyo handa na kami. I just wish na sana’y hindi na kasing tindi ng mga nakaraan. Para maka-move on na ang apo ko at kami naman ni Suzette dito, ay maka-move on na rin. For a time, naapektuhan ang trabaho namin dahil hindi ko naman puwedeng pabayaan ang apo ko. Kami-kami na nga lang ang nandito, hindi pa magdadamayan.”

Nasa Los Angeles na rin kasi ang buong pamilya ni Krista ngayon. Dahil kay Trixie, nandu’n na ang mag-asawang Mat at Lynda, ganu’n din ang younger brother ni Krista na nagta-trabaho bilang isang chef sa isang malaking restaurant doon.

WALANG HANGGANG PASASALAMAT ang handog ni Megastar Sharon Cuneta sa lahat ng nanood ng kanyang mega birthday concert sa Araneta Coliseum a week ago.

“I can never thank you all enough for the great success of the concert na ipinalabas sa Sharon show ko noong Linggo.” Same as the special na lumabas sa ABS later in the evening. Aside from the sangkatutak na guests sa Araneta, nasa Sharon din noong Linggo sina Efren Peñaflorida (our CNN Hero). Si Nina (first-ever female Diamond Record Awardee), Bugoy Drillon (na sobrang excited sa pelikulang Paano Na Kaya? nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Napili kasing maging titulo ng movie ang pinasikat niyang awit at siya rin ang umawit ng theme song). Guest din ang engaged na yata ngayong si Toni Gonzaga. Last but not the least, first time ding nagco-host si Vice Ganda kay Mega.

Totoong hindi na nga maabot ang narating ni Vice Ganda ngayon. Mula sa Showtime na ipinalalabas bago mag-Wowowee, may karibal na si Chocolait bilang paboritong co-host ni Mega Sharon sa kanyang Sunday show.

Dahil sa sobrang saya, pumayag na rin si Sharon na gumawa ng pelikula ang kanyang mag-amang Gabby Conception at KC. Nag-ampon din siya ng isang batang lalaki na pinangalanan nila ni Sen. Kiko Pangilinan na Miguel.

Most of all, sineseryoso na niya ang kanyang  pagre-reduce para matuloy na ang pagsasama nila ni Ate Vi (Vilma Santos) sa isang pelikula ng Star Cinema.

Kung inyong natatandaan, mariin ang pahayag noon ni Sharon, hindi raw siya papayag na maunang magsama sa isang project ang anak niyang si KC at ama nitong si Gabby. But time really heals old wounds at si Mega mismo ang naghayag na puwede na. Puwede nang maunang magsama ang mag-ama sa isang pelikula na sisimulan nang i-shoot ngayon.

“Magre-reduce pa kasi ako at medyo matatagalan pa iyon,” biro niya.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Previous articleKarylle, aminadong may manliligaw na non-showbuiz guy! – Ruben Marasigan
Next articleManyak na holdaper, dakip

No posts to display