Ngayong parehong single
Rachelle Ann Go at Christian Bautista, may pag-asang magkabalikan?!

DAHIL EX-GIRLFRIEND siya ni Christian Bautista, hindi maiwasang matanong ng press people si Rachelle Ann Go tungkol sa break-up ng balladeer at ng Indonesian girlfriend nito. Pero asiwa namang magbigay ng komento ang kapuso singer tungkol dito.

“Naku, ayokong pag-usapan ‘yan. Buhay na nila ‘yan,” pag-iwas ni Rachelle Ann.

Nanatiling maganda ang samahan nila ni Christian bilang magkaibigan. Hindi ba possible na manumbalik sa kanila ‘yong dati nilang pagtitinginan ngayong pareho silang single?

“Hmmmm!” nangingiting reaksiyon lang ni Rachele. “Okey!” natawang sunod lang niyang nasabi. “Hindi talaga ako makapag-comment! Hahaha! Tingnan po natin ‘yan siguro in ten years kung ano ang magaganap!” biro pa niya.

Wala man siyang lovelife sa ngayon, pero blooming pa rin ang kanyang beauty. Bakit nga ba?

“Masaya lang po talaga ako kahit walang lovelife. Kasi siguro, happy ako sa nangyayari sa buhay ko, sa family and friends, at sa career ko. At saka sobra akong thankful. Blessed ako. Kumbaga, ang daming blessings na ibinibigay sa akin ni God.”

Hindi naman siya takot na baka maging old maid siya?

“Wowwww!” natawa ulit na reaksiyon ni Rachelle Ann. “Ipinagdadasal ko na hindi naman mangyari ‘yan, ‘no? Hahaha! Pero sa ngayon kasi, hindi ko pa nararamdaman. Wala pa naman pong dumarating. So, bakit ako magmamadali?”

Lagi kasi siyang busy. Wala siyang panahon para lumabas o makipag-socialize lately.

“Siguro isa rin ‘yon. Iba ‘yong focus ko ngayon. Marami rin ang nagtatanong kung ready na raw ba ako to fall in love again. Or baka hindi pa nga raw ako ready. Alam mo, hindi mo masasabi ‘yon hangga’t hindi mo nakikita ‘yong right guy.”

Anong qualification ba ang hinahanap niya sa isang guy na gugustuhin niyang sunod na maging boyfriend?

“Gusto ko sobra siyang in love kay God. Kapag ‘yon… okey na ‘yon. Kasi, sunud-sunod na iyon, eh. Kapag meron siya no’n, eh.”

‘Yong looks naman, kagaya kaya ng ex-boyfriend niyang si Christian Bautista ba dapat ang peg?

“May peg talaga?” natawa na naman na tanong pa ni Rachelle. “Wala, eh. Physically, wala namang gano’n. Basta gusto ko, maganda ‘yong puso. Okey ako do’n.  At saka marespeto.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.