NFA at DA, Kinastigo sa Anomalya sa Bigas

SINASABING SQUID tactic lang umano ng mga opisyal Department of Agriculture at ng National Food Authority ang reaksyon ng mga ito na pulitika lang ang nasa likod ng mga paratang kaugnay ng anomalya sa importasyon ng bigas mula sa Vietnam noong Abril.

Ito ang ipinaratang ng abogadong si Argee Guevarra na takdang humarap sa mga opisyal ng DA at NFA sa gagawing pagdinig ng House of Representatives committee on food security sa naturang isyu ng suplay at presyo ng bigas sa bansa.

Bilang tugon naman sa mga pagtanggi ni NFA Deputy Administrator Ludovico Jarina noong isang linggo, sinabi noong Martes ni Atty. Guevarra na, “ang mga pagtanggi sa matiwaling transaksyon sa pag-angkat ng bigas ay dapat tanggapin ng may halong duda” lalo na sa patuloy na pagtas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Ipinagwalang-bahala lamang ni Jarina noong nakaraang linggo ang mga alegasyon ni Guevarra tungkol sa P457 milyon na overprices na importasyon ng bigas noong Abril at sinabing isa lamang itong paninira sa kanila ng mga grupong umaayaw sa repormang ipinapatupad sa NFA.

Samantala, kinuwestyon din ni Guevarra ang repormang sinasabi ni Jarina kasabay ng pagbira sa umiiral na monopolyo sa pag-aangkat ng bigas upang makopo nila ang taguring Mafia sa pampublikong sektor na siyang magdidikta sa araw-araw na kinakain ng taumbayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.