Next to Tito, Vic & Joey: Toni Rose, pinakamatagal na noontime show host!

Tatlong dekada na ang Eat… Bulaga! at more than half nang itinagal nito sa ere ay kasama ang beauty ni Toni Rose Gayda. Sa thirty years ng longest-running noontime show, kalahati rito ay nakapiling ng televiewers si Toni Rose.

Actually, nagsimula si Toni as host sa Lunchdate sa GMA-7. Nasa channel 2 pa noon ang Eat… Bulaga!. May kompetisyon man sa pagitan nila, nagawa naman ni Toni na mag-guest sa ilang shows nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Paminsan-minsan, nakalalabas siya sa Iskul Bukol, isang sitcom na pinasikat ng comic trio noong 80’s. Maging sa Okay Ka, Fairy Ko ni Vic ay nagawa ring mag-guest ni Toni.

Hindi nagtagal, nagsara ang Lunchdate. That was 1994. That year, kinuhang host si Toni sa Eat… Bulaga!.

“Nag-start ako sa Eat Bulaga sa Del Monte Kitchenomics muna with Sandy Daza noong 1994. After that, they asked me na mag-co-host na every other week kasi nga kagagaling ko lang sa seven or eight years na noontime show, ang Lunchdate.  Sabi ko, “Teka muna, kaya ko pa ba?” Sa Celebrity Sports Plaza pa kami,” kuwento ni Toni Rose nang ma-interview namin sa dressing room ng Eat… Bulaga! sa Broadway Centrum.

[ad#post-ad-box]

“Noong nawala si Christine Jacob, everyday na ako talaga. Mga 1996 ako nag-start dito na regular. Parang enjoy lang. Everything just happens na lang.”

Sa itinagal ng EB, ang biggest challenge ni Toni ay ang kumanta. Todo-effort talaga siya dahil hindi naman siya singer.

‘’Yung challenge namin ni Anjo, ako sa pagkanta, siya sa pagsayaw. Grabe talaga ang nerbiyos ko noon pero ang saya rin. Pina-voice lessons nila ako. Si Anjo naman, pinag-dance lessons nila. Ang kinanta ko ‘Unforgetttable.’ Hindi ako kumakanta talaga. Challenge talaga, that’s it.”

Ina-acknowledge naman ni Toni na ang laki ng naitulong ng EB sa kanya.

“Ang Eat… Bulaga! naman talaga, haligi na iyan. Naging household name ako. Tuluy-tuloy pa ang Eat… Bulaga! tapos carry over pa ng Lunchdate. So sabi ko, next to Tito, Vic and Joey, ako na siguro ang pinakamatagal sa noontime show.

Actually, bata pa lang ay may offer na kay Toni na mag-artista. Kinukuha siya ng Lea Productions noon. Kaya lang, ang gusto ng mom niyang si Rosa Rosal, tapusin niya muna ang kanyang pag-aaral. Una siyang nakilala sa mundo ng commercial.  Naging Camay Girl siya nang magkaroon siya ng TV ad para sa sabon nito.  And then, nag-host siya kasama si Ariel Ureta. Hindi nagtagal, gumawa siya ng sitcom, ang ‘Yan Ang Misis Ko. Nasa kolehiyo pa siya noon. Noong 1987, kakagaling lang ni Toni mula sa States nang matanggap niya ang offer na mag-host sa Lunchdate.

Nakagawa rin siya ng movie, ang Wa Na Ko Say. Ginawa niya ito sa production ng kanyang husband noon.

“Ang movie na ginawa ko talagang seryosohan ay ang Enteng Kabisote, ‘yong last. I was turning down offers then. I want to spend time with my kids.

With Eat Bulaga, nabago nang husto ang buhay ni Toni.

“Ang EB, naging parte na ng buhay ko. Parang naging rituwal na. Naging household name ka talaga. Kahit saan ka magpunta talaga, alam nila’ng Eat Bulaga… lalo ako, hindi ako nag-e-expose ng sarili ko sa ibang show. Pag mayroon akong show, concentrated ako, ‘yon lang. Natuto talaga ‘ko ng hosting. Dati, mahiyain talaga ako. Nawala ‘yong fear ko sa tao. Nabigyan ka ng confidence, kahit saan ka ipag-host, okay lang sa iyo kasi nahasa ka.

Sabi ni Toni, tunay na naiiba ang Eat… Bulaga!.

“Unang-una, ‘yong samahan. ‘Yong  talagang totoong-totoo. Hindi naman perfect. Napaka-generous, napakamaunawain nila. Basta, masaya silang kasama.”

Sa hosts ng EB, Toni is closest to Ruby. “Kami ni Ruby ang pinakamatagal dito pero halos lahat naman sila eh, ano naman, halos pare-pareho lang talaga.”

By choice, limited lang ang exposure ng TV host. “‘Pag may everyday show ako noon, ang feeling ko, nakikita na ako everyday sa TV from Monday to Saturday. Kaya ako, I do guestings lang. Hindi ko masyadong inatupag ang magkaroon ng ibang show.”

Ang pinakatumatak sa televiewers kay Toni ay ang pagiging mali-mali nito. In fairness, cute naman ang bloopers niya sa TV.

“Ganoon talaga ako. What you see is what you get. Sabi nga ng nanay ko, kasi gusto kong magdoktor, sabi niya, “Ay naku, anak, huwag. Baka mamaya magpaaanak ka, ilabas mo sa puwet.

“Mga mali-mali ‘yong pangalan na natatawag ko. Noong una, Tiya Panis and then naging Tiya Patis. Hindi ka na makaka-make-up doon pagkatapos. Siyempre, magso-sorry ka. Si Eula Valdez nga, Yani de Vera ang natawag ko. Tapos, ang susunod no’n, sabi ni Eula sa akin, sa sobrang nerbiyos ko raw na matama ‘yong pangalan niya, na-introduce ko siya as Luya Valdez. Ha! Ha! Ha! Basta, naalala ko noon, hindi ko maintindihan ang penmanship. Basta, tatlo sila…. And now, Red… hindi ko mabasa, lahat sila nakaganyan… takbo na lang ako. Hindi ko ma-pronounce ‘yong Sternberg, nahiya ako. Si Chuckie Dreyfuss, ang basa ko naman, Chuchie. Sabi ko sa kanya, “alam mo, Chuchie….”

Pero, hindi rito nagtatapos ang “kagagahan” ni Toni.

“May production number kami. Buti na lang taping kami. Eh, masikip ‘yong suot ko. Ang kasama ko si Ruby. To make the long story short, sayaw ako nang sayaw, biglang napatid ‘yong strap. As in kita ‘yong utong ko. Sigaw sila nang sigaw, ‘Toni! Toni!’ Buti taping ‘yon. Tinatakpan ako ni Ruby. Isa ‘yon sa mga unforgettable. Buti na lang nakakapitan ko ang boobs ni Ruby. Marami nang na-save ang boobs niyan.”

Sa tingin ni Toni, unbeatable ang Eat… Bulaga! as a noontime show. “Wala pa akong nakitang noontime show na ganoon. Pang-Guiness yata ito. Unbeatable pa rin talaga siya through the years.”

After 30 years, saan papunta ang Eat… Bulaga!?

“One thing’s for sure, ang Eat… Bulaga! ay hindi na mabubura sa isipan ng mga tao kasi Pambansang Noontime Show ng Pilipinas talaga. Thirty years from now, as the Lord has blessed, talagang blessed na blessed ang show na ito. We’re blessed to have ganitong bosses that we worked for. Ako, I’m blessed to work with Tito, Vic and Joey na hinahangaan mo lang sa TV noon and then kasama mo na at naging parang part talaga ng pamilya mo. I’m blessed also with my other co-hosts.”

Ang biggest achievement ng show ay ang walang humpay nitong pagbibigay ng saya sa televiwers.

“’Pag sinabi mong Eat… Bulaga!, ‘yong talagang napapangiti ang tao. Malaki ang naitulong niyan. Maraming  naitulong financially. Maraming na-open na oportunidad. Maraming napasikat ang EB. Makikita mo talaga na it’s a show with the heart.”

Taas-kamay nga si Toni kina Tito, Vic and Joey.

“Wala akong masasabi talaga. Not only do they have my highest respect but talagang I’m very blessed na nakilala ko sina Tito, Vic and Joey as persons, hindi lang ‘yung as superstars. To sum it all up, I’m blessed.”

As a celebrity, Toni has defied the coming of age. She’s a classic beauty like her mom Rosa Rosal. What’s her secret?

“Kailangan talaga, you owe it to your viewers. Alam mo naman ang nanay ko, ‘pag tumaba ka, sasabihan ka niya, ‘Oy, mataba ka na.’ Ako naman, punta kaagad sa gym.” Dito na natapos ang masayang chikan namin ng nag-iisang Toni Rose Gayda.

By Alex Valentin Brosas

loading...

11 thoughts on “Next to Tito, Vic & Joey: Toni Rose, pinakamatagal na noontime show host!

  1. AT LEAST DI PLASTIC MGA HOST NG EAT BULAGA..DI GAYA NG WOWOWEE HOST NA SI WILLIE..PURO NEGATIVE NEWS ANG NADIDINIG ABOUT HIM. AT ME BALAK PANG MAG MAYOR??????????????KAPAL NG MUKHA!

  2. wowowee pa rin… ang baduy kaya nang eat bulaga, as they evolve the OLD FARTS learn how to become COPYCATS… most portions are copied from other shows.

    • sobrang tanga mo namn magcomments mag aral ka nga muna ng grade 1.mula umpisa hngang sa ending ng programa puro kayabangan ang mapapanood mo sa show nya.msyado lang kasi kayong natatakpan ng pera kaya kahit pangit ang mga pinapakitang ugali ni willie patuloy pa rin tinatangkilik.kahit kelan wala pa clang game show na makikitaan mo na nakakaaliw at nakakapagpasaya.d gaya sa eat bulaga laging bago at nakakaaliw talaga ang bawat show nla.wala pang sapawan ang mga host. Sa wowowee hndi pwedeng hindi c willie ang bida sa lahat ng portion nila dahil ayaw nyang may ibang host ang pwedeng sumapaw sa knya, gnyan ang demonyong igali ni willie kahit sa labas sobra kayabangan nya.

      • i think you should tell yourself that. kaya pala ginaya nang eat bulaga ang willie of fortune portion wherein they interview contestants and have to show their talents after, how original! kaya nga wowowee = willie. wowowee will never be the same without willie. syempre sa eat bulaga they have to take each time kasi naman ang hosts sa eat bulaga mga wala nang career!

  3. huwag daw kayo manila sa Mega Manila ratings nyahahaha..
    Mega Manila ratings lang naman ang ginagamit na basehan ng EBS noong sila pa ang no.1.. binabalandra nila yan sa tv na sila ang no.1 dati inuulit ko dati nung sila pa ang no.1 sa Mega Manila.. natalo sila sa ratings kaya inakusahan ang GMA na nandayaw daw gamit ang mga bayaran at walang kredibilidad na mga witnesses kuno, na yung iba dating empleyado nila sa regional station nila sa Bacolod nyahahaha!

    yan ang tunay na paninira paulit-ulit na binabalita sa TV na nandaya daw ang AGB at GMA.. di kasi matanaggap na after ilang taon na pagiging no.1 sa Mega Manila natalo at naungusan sila ng isang maliit ng network gaya ng GMA! well, dati nang ganyan ang EBS mapanira.. sinisiraan ang mga kalaban nila sa negosyo para masolo ang iba’t ibang businesses sa Pilipinas!

    ang wowowee puro hype lang, sikat lang si willie sa mga iskandalo na kinasasangkutan niya.. helLo 0-2 WILYONARYO SCAM, ULTRA STAMPEDE, NENA V SANTOS -REPOSSESSED HOUSE N LOT NA PRIZE, CHLOE RONQUILLO NAGREKLAMO SA MTRCB, WILLIE’S OUTBURST ON TV SA FUNERAL CORTEGE NI CORY AQUINO!

    cge na nga, puro flop ang gma sa movies at walang flop sa ebs diba piolo? diba juday? sa inyo na ang movies magkano ba ang kikitain diyan? mas malaki ba sa tv? nyahahah! sa tv maraming ad support kung saan kumikita ng mas malaki ang tv stations at sa movies kakarampot lang dahil ilang beses sa isang taon lang gumagawa ng movies.. sa tv araw-araw at gabi-gabi napapanood mo ang mga fave shows mo at puno pa ng ad placements bawat commercial break kaya malaki ang kita e sa movie ganyan din ba? LOL!

  4. THANK U PINOY PARAZZI 4 FEATURING EAT BULAGA! INGGIT NA INGGIT YUNG MGA KAWAWAWE AT KAPALMILYUK. .HAHAHAHA! PANO WALANG MAGANDANG MASABI SA KANILA KUNDI PURO NEGA LALO NA YUNG HOST NILANG HINAYUPAK! GO! GO! GO! EAT BULAGA! CONGRATULATIONS AND MORE POWER! NUMBER 1 PA RIN KAYO AT THE BEST. .AND THANK U AGAIN PINOY PARAZZI. .at sa kapalmilyuk at kawawawe mamatay kayo sa inggit. .hakhakhak!

  5. Kailangan i-promote ang EB dahil nilalampaso sila ng WOWOWEE. Sa 30 years nila, now lang nila ito ginawa. Kaya U will know there motif di ba?

    Malaking kasiraan si Joey DeLeon sa EB. Siya ang sumira sa credibility ng EB for 30 years.

    Dapat nun pa sila gumawa ng paraan ng magsimula ang WOWOWEE nung 2005 pagdating ng 2006 eh #1 na ito until now. Naka-establish na sila so pano nila ito maayos. I think, itong pag promote nila sa Pinoy Parazzi at sa iba pang online site. Ay isa sa mga way of promoting EB. Ok yan. Dapat continous lang ang pag-promote.

    Pero in my opinion, babalik lang ang sigla ng EB sa ratings pag nawala si Joey DeLeon at yung iba pa nilang kasama sa show. 2nd, gayahan na nila ung format ng Willie of Fortune. Tutal uso naman ang gayahan ngayon. Like ung Talentadong Pinoy na madami ng gumagaya. 3rd, mag-reformat sila totally.

    For sure may magr-react sakin pero ito ang totoo. Wag kayo maniniwala sa Mega-Manila ratings ng GMA-7. Isang patunay nyan, lahat ng mga movie ng talents nila ay puro FLOP. Kahit anong press release ng GMA-7 using media o press eh kitang-kita naman pag gagawa ng movies ang mga talents nila na flop palagi. Isa pa kaunti lang ang donation nila para sa ONDOY dahil mas naniniwala ang mga bigatin kumpanya at mga tao pati sa ibang bansa sa ABS-CBN Foundation binibigay. Dito makikita kung sino talaga pinaniniwalaan ng tao. Ang kasikatan ng GMA-7 at dahil sa tulong ng media o press lamang. Dahil di nila matanggap talo sila, ang ginawa nila eh inintriga ang Sagip-Kapamilya. Nagkalat ng mga negative text messages. Tama ba yun. Ugali na talaga yan ng KAPUSO ever since as part ng marketing nila. Para sakin tama yun ganung marketing strategies.

    • “’Pag sinabi mong Eat… Bulaga!, ‘yong talagang napapangiti ang tao. Malaki ang naitulong niyan. Maraming naitulong financially. Maraming na-open na oportunidad. Maraming napasikat ang EB. Makikita mo talaga na it’s a show with the heart.”

      YAN ANG WALA SA HINAHNGAAN MONG WOWOWEE

    • ungas san ka namn maniniwala sa bayaran ng abs na TNS hahaha….kahit anong scandal gawin ni willie d nya pa rin kayang tibagin ang EAT BULAGA khit ubusin pa ang kayanmanan ng mga LOPEZ. dahil ang Eat bulaga mahal ng samabayanang FIlipinong may utak at may mga prinsipyo sa buhay.baka nxt year o sa susunod na taon ang scandal namn ni willie kamatayan na nya wag namn sana hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.