Next batch ng pork scam case, kasado na

HINIHINTAY NA lamang ng National Bureau of Investigation (NBI) ang iba pang mga dokumento mula sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa pagsasampa ng karagdagang kaso laban sa mga sangkot sa kontrobersiyal na priority development assistance fund (PDAF) scam.

Sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ni Benhur Luy at ng iba pang whistleblowers na may iba pang mga posibleng makasuhan sa 3rd batch na sangkot sa anomalya base sa naging testimoniya ng mga testigo at hawak na ebidensya ng NBI.

Sa kasalukuyan aniya ay may mga dagdag pang mga ebidensiya na dapat maisama sa paghain ng kaso sa Office of Ombudsman.

Nabatid na nasa 38 mga respondents na ang mga naunang nakasuhan na kinabibilangan nina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Jinggoy Estrada.

Maliban sa 3rd batch ay meron pa aniyang 4th batch na posibleng makasuhan, subalit hindi na direktang sa usapin ng pork barrel fund kung saan ginamit din ang NGO ni Janet Lim-Napoles.

“Opo, pinagha-handaan na po namin ang 3rd batch, meron ng kinukumpleto ang NBI na dokumento na hinihintay na ibigay sa kanila ng ibang ahensiya ng gob-yerno para makumpleto po natin ‘yong documentation. Meron pa ho ka-sing 4th batch niyan, eh. Ang 4th batch po ay yong mga pondo na hindi PDAF na idinaan sa mga NGO’s pa rin ni Ginang Napoles. So, may mga susunod pa po talaga” pahayag pa ni Baligod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.