New Zealander, Ninakawan ng Nakachurvahang Bading

NAKAPIIT SA Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang bading matapos nakawan ang naka-one-night stand na New Zealander sa isla ng Boracay.

Nakilala ang nasabing biktima na si William Coolman, 21, taga-New Zealand, at nagbabakasyon lamang sa naturang isla.

Lumalabas sa impormasyon na habang pabalik na ang biktima sa kanyang resort mula sa isang bar nang bigla siyang sinalubong ng salarin na kinilalang si Jestoni Tonic, 23, residente ng General Santos City, at pansamantalang naninirahan sa Bora, at niyayang siyang makipagtalik.

Ayon sa biktima, pumayag siyang makipagtalik sa bading sa pag-aakalang ito ay babae. Maliban dito, siya umano ay lango sa alak.

Matapos na makaraos, napansin umano ng dayuhan na wala na sa kanyang bulsa ang kanyang mamahaling cellphone.

Hinabol umano niya ang suspek at pilit na binawi ang cellphone, ngunit pinatutubos ito sa kanya ng pera.

Samantala, sa tulong ng security guard ng resort na si Fred Pascual ay agad na nakahingi ng tulong sa mga awtoridad ang biktima kaya nadakip at nabawi ang cellphone mula sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.