New Premium Fragrances mula sa Personal Collection

Marian-Rivera PrintMULA SA Personal Collection Direct Selling, Inc., gumagawa ng mga premyado at de-kalidad na produkto sa mga kategoryang Homecare, Personal Care, Baby Care, Fragrances, Health Care at Apparel… buong lugod na ipinakikilala ang pinakabago at pinakamabangong Sof & MMMMM… range of Concentrated Fabric Conditioners.

Swak na swak sa tawag na Premium Fragrances, ang mga fabric conditioners na ito ay available sa 1000ml bottle. Lalagyan pa lang, perfume-inspired na, with its flower-embossed bottle.

At hindi na nga tayo pumayag na bababa pa: no less than Marian Rivera, isa sa mga top celebrities sa ating bansa, ang karapat-dapat na brand ambassador ng products na ito. Perfect combination talaga. Ang kagandahan ni Marian ay malinaw na nagpapakita ng superior na kalidad ng produkto, superior na technology na ginamit dito, at di nga ba, bagay na bagay sa tawag na, “Premium Fragrances”.

Sa tatlo nitong variants, may pagpipilian ang ating mga consumers upang tiyak na masiyahan sa paggamit ng Sof & MMMMM… Premium Fragrances: Endless with GERMTEC, antibacterial upang masiguradong germ-free ang ating mga damit; Forever with OPTICLITE brighteners upang mapanatili ang original na kulay ng damit; at Eternity, para naman sa humahalimuyak at para kang nasa langit sa bango.

Ngayon, ang mga produktong ito ay available sa mga dealers ng Personal Collection. Bumisita lang sa pinakamalapit na Personal Collection Branch na nasa buong bansa, or browse through www.facebook.com/pcdsi.official.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.