New Industrial Policy ng Gobyerno, Iminumungkahi sa NAST-ASM

TINALAKAY SA taunang pagpupulong ng mga dalubhasa sa iba’t ibang disiplina na miyembro ng National Academy of Science and Technology (NAST) ang kalunus-lunos na kalagayan ng ating manufacturing sector.

Sa ginaganap na Annual Scientific Meeting (ASM) ng mga academician sa iba’t ibang dibisyon, napagkaisahang isulong ng mga dalubhasa ang pagpapaangat sa namatay na sector. New Industrial Policy ang iminumungkahi ng NAST President sa gobyerno upang tunay na sumigla at mabuhay muli ang sector.

“’Di naman masama ang BPO, pero sinasabi naming huwag naman sanang kalimutan na ang manufacturing sector ang tunay na magpapasulong sa ating bansa dahil makapaglilikha ito ng mga tunay na trabaho para sa lahat ng mamamayan.”

Wika ng kasalukuyang pangulo ng NAST at dati ring DOST Secretary na si Dr. William Padolina sa kanyang maikling sagot sa mga mamamahayag na nakibahagi sa isang pulong-balitaan na ginanap.

Tunay aniya na ‘di matatawaran ang kakayahan ng manufacturing sector na kumuha ng libu-libong kawani buhat sa pinakamababang pinag-aralan hanggang sa mga kagaya nilang matataas ang pinag-aralan kumpara sa ibang sector na limitado ang kakayahan.

Sa kasaysayan, walang bansang umunlad na ‘di nagkaroon ng masigabo at asensadong manufacturing sector, dagdag pa ni Padolina. Bahagyang nagkaroon nito ang bansa noon ngunit tumamlay kaya dapat na paigtingin at palakasin muli.

(MJ Balaguer)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.