New couple – Young actor and not-so-young actor

BLIND ITEM: ANG tsika ngayon, mag-dyowa na raw ang isang young actor and not-so-young actor. Kami naman, nu’ng itsika sa amin ito, eh, nagtaas lang ng kilay, dahil hindi kami naniniwala.

Alam naming wala pa tayong nababalitaang me girlfriend na ang young actor, pero hindi naman nangangahulugan ‘yon na bakla na siya,’no!

Juice ko, kami nga, me misis at tatlo nang anak. But that doesn’t mean na tunay na barako na kami, ‘no! Hahaha!

Anyway, minsan, napadaan sa kanilang rehearsal ang not-so-young actor. Eh, nakasando lang ito’t pumuputok ang muscles at abs. Nagdayalog daw si young actor ng, “Wow! He’s so hot!”

Me gano’n?

Pruweba na ba ‘yon na bading na ang young actor, eh, napahanga lang naman siya?
Saka tulad ng kuya niya, machong-macho ang young actor na ‘to, ‘no!
Ang clue? Read between the lines.

TAMA ANG NAGING desisyon ni Ms. Dina Bonnevie na ‘wag nang magsalita kaugnay sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa nangyaring news blackout sana na nag-leak din sa media – ang pagtungo niya sa isang presinto para ipagtanggol ang inirereklamong kaibigan niyang Syrian national ng isang GRO na diumano,ang claim nito ay minolestiya ito ng dayuhan niyang kaibigan.

Since ayaw magsalita ni Ms. D, meron kaming nakausap. Totoo bang pinerahan lang ang naturang Syrian national? Nu’ng una’y singkuwenta mil ang hinihinging kapalit ng GRO para hindi na isampa ang kaso.

Na ang ending: beinte singko mil na lang as in kalahati na lang ang hiningi nu’ng GRO.
And how true is this? True ba na na ang GRO ay five thousand pesos lang ang nakuha? Nasa’n na ang beinte mil, eh, P25 thousand ‘yon.

True ba na pinaghati-hatian na ito ng mga pulis na may hawak ng kaso?

“Kaya kawawa ‘yung babae,” sey ng isang imbestigador, “Nagkunwari siyang minolestiya siya na hindi naman, pero ang ending, siya ngayon ang naisahan ng mga kakuntsaba niyang pulis!”

Me gano’n?

‘YUNG SIMBAHANG GINAGAMIT sa teleseryeng May Bukas Pa sa Bacolor, Pampanga, bago magmisa ay pinatugtog muna ang naturang theme song nu’ng Sunday.

Ang buong cast ng May Bukas Pa, naroon para mabasbasan ng pari at tuloy magpasalamat, dahil nananatiling number one sa lahat ng prime time shows ang teleseryeng punumpuno ng pag-asa.

Painit nang painit ang pakikipagsapalaran ni Santino sa mga taong nais magsamantala sa kanyang kakayahang makapanggamot.

Juice ko, binasa namin ang advance script ng May Bukas Pa at juice ko po uli,naluha na naman kami sa mga pagdaraanang pagsubok ni Santino.

Grabe, ang daming tina-touch ang buhay ni Santino.

‘WAG N’YONG KALILIMUTANG makinig sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882khz at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “New couple – Young actor and not-so-young actor

Leave a Reply

Your email address will not be published.