Never nagpa-interbyu
Bamboo, kabado sa itatanong ng showbiz media

PALAISIPAN SA maraming taga-showbiz kung bakit kaya sa tagal na niya sa industriya ay ayaw magpa-interview ni Bamboo sa mga reporter, kahit ma-feature sa glossy magazines na kailangan siyempre ng interview para sa isusulat na article/story on him.

Kapag napapanood naman ang singer sa TV na nagsasalita ay very articulate naman itong magsalita, mapa-Tagalog man o English.

Nabalitaan pa namin na kahit para sa promo ng The Voice Of The Philippines, kung saan isa si Bamboo sa apat na coaches, bago ito magsimulang umere ay hindi raw siya pumayag na mag-guest sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.

May kaba kaya si Bamboo sa mga itatanong sa kanya o ‘pag na-playtime siya kung sakaling maka-one on one siya ng phenomenal at unkabogable star sa talkshow nito?

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.