Neneng na May Diperensiya sa Isip, Minolestiya ng Kapit-bahay

TARGET NGAYON ng mga awtoridad ang isang 22-anyos na lalaki na responsible sa paulit-ulit na pangmomolestiya sa pamamagitan ng pagdaliri sa ari ng isang menor de edad na may problema sa pag-iisip sa Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Ang biktima ay itinago sa pangalang ‘Jessa’, 11, mentally-ill, ng Brgy. Tabang, Guiguinto, na kasama ang kanyang ina ay nagsampa ng kasong 4 counts of Act of Lasciviousness at Rape by Sexual Assault laban sa suspek na si Renato Legaspi, Jr., 22, at residente rin sa nabanggit na barangay.

Nabatid na si Legaspi ay mayroon nang dalawang warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Ma. Belen Ringpis-Liban ng Branch 85 ng Malolos RTC, ngunit hindi pa nadarakip at nakikitang pagala-gala at nang-iinsulto sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Erlyn Balagtas, ina ng biktima, naganap ang pangmomolestiya ng suspek sa kanyang anak noong Enero 2, 2011 at ilang beses pang naulit na ang pinakahuli ay noong Nobyembre, 2011 kung saan bukod sa pinaghihipuan ng suspek ang kanyang anak ay dinaliri pa ang ari nito.

Kaugnay nito hiniling ng pamilya ng biktima kay Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., Bulacan Police director, na madakip sa lalong madaling panahon ang suspek at pakilusin ang warrant section ng Guiguinto Police upang masakote si Legaspi na sinasabing mayroong kamag-anak na opisyal sa Armed Forces and Police Savings and Loan Association, Inc. (AFPSLAI) kaya malakas umano ang loob nito.

“Sana po ay tulungan kami ng kapulisan kasi kahit may diperensya po ang aking anak at mahirap lamang kami ay makuha namin ang katarungan sa pagpapakulong sa suspek .

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.