NENE TINURBO AT DINEDO NG TIYUHIN

SINAMPAHAN NA KAHAPON ng kasong rape with homicide sa Talisay City Prosecutor’s Office sa lalawigan ng Cebu ang isang lalaki makaraang ituro ito na siyang may kagagawan sa panggagahasa at pagpatay sa kanyang walong taong gulang na pamangking babae.

Kinilala ni Inspector John Ganzon, Sipalay deputy police chief  ang suspek na si Anthony Tamayo na siya umanong responsable sa naganap na panghahalay sa biktimang si Nene (hindi tunay na pa-ngalan) noong Pebrero 10 at natagpuan na lamang ang bangkay ng bata kamakalawa ng umaga sa Brgy. Nauhang, Sipalay City .

Nadiskubre din ang pagkakaroon ng mga pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng bata sanhi ng pagpalo ng isang matigas na bagay kung saan may palatandaan na ginahasa muna ito bago pinatay.

Samantala, nagpahayag ng matinding galit si Mila Sanchez, ina ng biktima at kapatid ng suspek na nanaisin pa  umano niyang makita ang kapatid na patay dahil sa ginawa nito sa kanyang anak.

Sinabi pa ni Mila na bago nawala ang kanyang anak ay binigyan pa ito ng suspek ng sampung piso upang ipambili ng sigarilyo at sa pahayag ng suspek, sinakal niya ang pamangkin at iniumpog sa isang bato nang manlaban ito habang hinahalay.

Hindi na man lumambot ang puso ni Mila sa paghingi ng tawad ng suspek na kasalukuyang nakapiit sa Sipalay City Police Station jail.

SAMION TUAZON

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.