Nene, Tinangkang Halayin ng Kinakasama ng Ina

PINAGHAHANAP NG mga kinauukulan ang isang 30-anyos na lalaki na tumakas matapos maaktuhan sa tangkang panghahalay sa siyam na taong gulang na anak mismo ng kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sibutad, Zamboanga del Norte.

Kinilala ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si Vicente Tamparong.

Base sa ulat ng  Sibutad municipal police station, bandang alas-7:00 noong nakaraang gabi nang maaktuhan ng mismong ina ng biktima na si Josephine Molit Prospero ang kanyang live-in partner sa tangkang panggagahasa sa kanyang anak.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na iniwan umano ng ina ng biktima ang kanyang anak sa kanilang bahay kasama ang kanyang live-in partner at nagulat na lamang nito nang datnan ang ginagawa ng salarin sa biktima.

Sa ngayon, tinutulu-ngan ng mga awtoridad at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng lugar ang mag-ina para mabigyan sila ng proteksyon at maituloy ang pagsampa ng kaso laban sa tumakas na suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.