Nene, Sinamurai ng Hapon

ISANG DALAGITA ANG luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya matapos umano itong halayin na mistulang “sinamurai” ng isang Japanese national sa loob ng isang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na sinamahan ng kanyang tiyahin sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police upang iulat ang pangyayari ay itinago sa pangalang Kitten, 15-anyos ng Tondo, Manila.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na umano’y Japanese national na mabilis namang tumakas matapos ang panghahalay.

Base sa nakalap na impormasyon sa WCPD ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng isang bahay na matatagpuan sa Guido 2 St., Brgy. 33 ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, una umano niyang nakita ang suspek sa isang inuman at nang maubos na ang kanilang tinatagay ay niyaya ito ng Japanese national sa isang bahay sa naturang lugar.

Dahil sa pag-aakalang mabait at hindi nangsa-samurai ang suspek ay sumama umano siya, ngunit pagpasok ng mga ito sa nabanggit na bahay ay agad na ikinandado ng Japanese national ang pinto na labis na ikinagulat ng dalagita.

Matapos ito, nilapitan ng suspek ang biktima at sinimulang paghihimasin at paghahalikan sa iba’t ibang parte ng katawan at nang tangkain ng dalagita na manlaban ay tinakot umano ito ng Hapon na may mangyayaring masama rito.

Hindi na nagawa pang makapanlaban ng biktima hanggang sa tuluyan ngang mabiyak ng “samurai” nito ang puri ng biktima at pagkaraang makapagparaos ay nagmamadaling tumakas ang “sakang” na salarin.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.