Nene, Pinulutan ng mga Kainuman

NILASING MUNA bago halinhinang hinalay ang isang nene ng mga kainuman sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nadakip naman si Mark Lester Pascual, 17 ng Santos St.; at Reymart Matinito, 17, ng Kawal, kapwa ng lungsod habang pinaghahap pa sina alyas Chino, Chokoy at Ong-ong pawang kalugar ng biktimang edad 14.

Batay sa ulat, kamakalawa ng gabi ay inayang mag-inuman ng mga suspek ang biktima sa bahay ni Pascual.

Dahil mga kalugar ay sumama ang biktima kung saan alas-12 ng hatinggabi ay nalasing ang nene na binuhat ng mga suspek sa kuwarto ni Pascual at doon halinhinang hinalay.

Nang mahimasmasan ay umuwi ang biktima at nagsumbong sa ate na naging dahilan upang isumbong sa mga barangay tanod.

Sa isinagawang fol-low-up operation ay nadakip ang dalawa habang nakatakas ang tatlo.     (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.