Nene, pinang-gigilan ng ama

PINAGHAHANAP NGAYON ng mga alagad ng batas ang isang 40-anyos na lalaki makaraang gahasain ang 11-anyos nitong anak na babae sa Sitio Alagao, Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Ang biktima ay itinago sa sa pangalang ‘Cathy’, habang kinilala naman ni P/Supt. Roginald Francisco, hepe ng Norzagaray Police, ang suspek na Domingo Vicuña, residente ng nabanggit na bayan.

Sa ulat na tinanggap ni Bulacan police director Senior Supt. Fernando Mendez, Jr., dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente sa magubat na parte ng nabanggit na sitio.

Nabatid na naglalakad umano ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang makita nito ang kanyang ama na hinihintay siya, kung saan agad siyang dinala ng umano’y senglot na suspek sa ilang na lugar at doon pinagsamantalahan.

Ayon sa dalagita, hinahalikan siya ng ama sa labi habang pinapasok ang daliri nito sa kanyang ari.

Hindi pa nasiyahan, tinangka pa umanong ipasok ng suspek ang ari nito sa biktima ngunit naudlot nang dumating ang  mga barangay tanod, kung saan mabilis na tumakas ang ama matapos ang insidente.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.