Nene, Pinainan na ng P44, Kinabayo pa ng Kinse-Anyos

DAKIP ANG isang 15-anyos binatilyo matapos halayin ang isang 9-anyos na batang babae matapos painan ng halagang P44 sa Sitio Camporal, Poblacion Bajo, Zamboanga del Norte.

Napag-alaman na pagkatapos mananghalian ang biktima noong Huwebes ay hindi na siya bumalik sa kanilang eskuwelahan.

Sa halip na pumasok sa eskuwelahan ay nagpunta ang biktima sa ilog upang maligo.

Ngunit bago pa maligo ay hinarang na siya ng salarin at sinabihang bibigyan ng P44 sumama lamang sa kanya.

Dito na isinagawa ng suspek ang panggagahasa sa biktima at pagkatapos ay inabandona.

Samantala, agad na nagsumbong ang biktima at naaresto ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.