Nene, Patay sa Van

HINDI NA naisalba ang buhay ng isang 11-anyos na batang babae makaraang mabundol ng isang van sa bayan ng Naguillan, La Union.

Dead on arrival sa Naguilian District Hospital si Nicole Genlovec ng Brgy. Agioas.

Tumatawid sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sili sakop ng nasabing bayan si Genlovec nang mabangga ng kulay berdeng van na minamaneho ni Raymundo delos Reyes, 43, ng Upper Mabini, Baguio City.

Sa salaysay ni Delos Reyes, iniwasan niya ang bata subalit huli na nang masagi ito kaya naman nangakong sasagutin ang gastos sa pagpapalibing sa bata.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.