Nene, patay sa sumpak

PATAY ANG ISANG 4-taong gulang na batang babae matapos tamaan ng ligaw na bala ng sumpak mula sa nagwalang adik habang nagdiriwang ng kapistahan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa ulo ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Cassandra Ortiz, ng Purok 4, Kawal ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Aljon Punay, 23, ng nasabi rin lugar na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Base sa ulat, ala-1 ng hapon, piyesta sa nasabing lugar kung saan biglang nagwala ang suspek at nanghahabol ng saksak sa mga nakukursunadahan.

Nabatid, bago ang insidente, isang Damian Cabuang ang humiram ng sumbrero ng suspek at nang hindi naibalik ay nagwala na si Punay at agad nitong inilabas ang dalang sumpak at nagpaputok subalit ang nahagip ay ang biktimang naglalaro sa nabanggit na lugar.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa JRMMC subalit namatay rin habang nilalapatan ng lunas.

Samantala, ang nanay ng suspek na si Ana Marie Punay, nasa hustong gulang, ng nasabi rin lugar ang dinakip ng mga awtoridad at ikinulong dahil sa ginagawa umano nitong pagtatago sa kanyang anak (suspek).           (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.